Maligayang Pagdating sa mundo ng mga smartphone! Humandang mapahanga sa lahat ng mga paraan maari mong ayusin t manatiling konektado sa mga tao at bagay na mahalaga sa iyo. Tingnan ang mga payong ito para sa madaling pagsimula.
Ang bago mong telepono ay parang maliit na computer, binibigyan ka ng napakaraming impormasyon at app. Depende sa kung ano ang ginagamit mo, maaari itong gumamit ng maraming power. Magplano na i-charge ang telepono mo tuwing gabi upang maging handa ito sa susunod na araw.
Ang smartphone mo ay, matapos ang lahat, ang telepono mo para sa pagtawag. Ngunit mayroon din keyboard para sa pagpapadala ng mga text at email at camera para sa pagkuha ng mga larawan at video.
Ipinapakita ng bar ng katayuan sa home screen mo ang oras at mga icon na nagsasabi sa iyo tungkol sa baterya ng telepono mo at mga koneksyon ng network.
Ang smartphone mo ay mayroong maraming mga nakatutuwa at magagamit na mga app, ngunit maari mong i-unlock ang power nito sa pamamagitan ng pag-install ng mga app na tumutugma sa pamumuhay mo. Pumunta sa Play Store para matuklasan ang libre at mga binayarang mga app na makakatulong sa iyo na mas maging produktibo, organisado, naimpormahan, may komunikasyon, at masiyahan.
Play Store nag-aalok din ng mga musika, pelikula, palabas saTV, at mga libro.
Dala-dala mo ang iyong telepono, at may mga aksidenteng nangyayari; may mga pagkakataong nawawala ang mga telepono. Kaya't mag-setup ng seguridad at maiwasan ang problema kung mawala ang iyong telepono.
Mag-set up ng screen lock. Ito ang unang depensa upang mapanatiling ligtas ang mga sensitibong impormasyon mo. Mas gusto ang mga numero, hugis, salita? Mag-set up ng PIN, pattern, o password na kailangan para i-unlock ang telepono mo.
Hindi ka pipigilan ng screen lock na agad na sagutin ang tawag o i-access ang iyong camera.
Ipakita ang iyong impormasyon ng may-ari. Sa iyong lock sreen, maipapakita roon ang “pakibalik” na mensahe kasama ang iba pang impormasyon para makontak ka upang, kung mawala ang telepono mo, maaring maibalik ito sa iyo ng ibang tao.
Paganahin ang mga tampok ng nawalang telepono. Para sa kapayapaan ng iyong isipan, i-set up na ngayon ang iyong Motorola ID. Hanggang nakabukas ang telepono mo at may data, o Wi-Fi na koneksyon, maari kang pumunta sa www.motorola.com/suporta mula sa desktop computer at:
Habang binabago mo ang wallpaper maaring ito ang unang beses mo ng pagpapasadya, huwag dito huminto. Siguraduhin na tuklasin ang Mga Setting para mai-set ang ringtone mo, laki ng font, mga gustong paggamit ng data, mga gustong keyboard, at iba pa. Magandang paraan ito na matutunan ang karamihan ng mga kakayahan ng telepono mo habang pinapasadya para tumugma sa mga pangangailangan mo.
Sa karamihan ng mga app maaring pindutin
o
para sa tinukoy na mga setting ng app. Tiyaking makita rin ano ang mga opsyon na mayroon para sa iyo roon.
Maunawaan ang iyong paggamit ng data. Bantayan ang iyong paggamit ng data at malaman kung paano masulit ito. Alamim aling mga app ang gumagamit ng malaking data at ayusin ang mga setting nito kung gusto mo. Maari mong ihinto ang pag-auto-sync sa iyong koneskyon sa mobile data connection mula sa mga quick setting sa pamagitan ng pag-toggle sa off ng koneksyon ng data.
Gamitin ang Wi-Fi upang makatipid ng mobile data. Kapag komonekta ka sa Wi-Fi network, ang data mo ay mag-auto-sync over sa koneksyon nito sa halip na sa iyong mobile data na koneksyon, natitipid ang mobile data kung kailan mo kailangan ito. Mula sa mga quick setting, i-toggle sa on koneksyon ng Wi-Fi.
Sabihin sa telepono mo kung ano ang gagawin. Gamitin ang telepono mo ng hands-free gamit ang mga voice command. Sabihan ito na inabiga ka, at pakinggan ito para sabihin sa iyo ang mga direksyon habang nagmamaneho ka, --babalik ito sa ruta kapag naligaw ka. Sabihan ito na itakda ang alarma, maghanap ng impormasyon sa web, tumawag. Upang magdikta sa halip na mag-type ng text. At siguraduhin na gamitin ang Moto Assist mga tampok Nagmamaneho ng apps, kasama ang voice read out para sa mga paparating na tawag at mensahe na text.
Huwag palampasin ang pagkakataon para kumuha ng litrato. Awtomatikong buksan ang camera mula sa iyong lock screen. Pihitin lamang ng dalawang beses ang iyong telepono. O, pindutin ang
at i-drag ito sa kaliwa, o i-swipe saanman mula sa kanan sa lock screen. Maari mong awtomatikong i-back up ang iyong mga litrato at mga video sa iyong Google account o sa iba pang photo sharing na app na available sa Play Store.
Itago ang mga gamit mo. I-save ang panloob na taguan para sa mga app at pansamantalang paggamit kapag kailangan mo ito sa paggamit ng SD card upang itago ang mga litrato, video, at musika. Maari mong buksan ang mga nakatagong item sa mga kaugnay na mga app, gaya ng Gallery upang makita ang mga litrato at video mo. Madali lang ang paglipat ng mga item sa iyong telepono papunta sa computer gamit ang USB cord na kasasa sa telepono mo.
Para higit pang mapalaki ang storage space, kasama ang kakayahang ma-accesss ang iyong media at mga file mula sa anumang konektado sa internet na device (telepono, computer, tablet), ang bago mong telepono ay nagbibigay sa iyo ng libreng cloud storage sa. Ang iyong Google account ay nagbibigay sa iyo ng libreng cloud storage sa Drive, na mayroong sarili nitong app at available din mula sa
menu sa kabuuan ng iba pang apps.
Kapag alam mong hihina ang koneksyon mo o walang koneksyon, marami sa mga app mo ang papayagan ka na i-pin ang mga cloud item, pansamantalang tinatago ang mga ito sa iyong telepono. Maari kang mag-unpin kapag tapos ka na upang mapanatili na bakante ang memory ng telepono mo.
Wi-Fi hotspot. Maari mong ibahagi ang data na koneksyon ng telepono mo bilang Wi-Fi hotspot o direktang i-tether ang iyong telepono sa compuer para maka-access ng Internet. Kung may iba ka pang mga aparato na kailangan ng koneksyon sa internet (halimbawa, laptop, tablet, o iba pang telepono), maaari mong gamitin ang telepono mo bilang Wi-Fi hotspot.
I-reset ang telepono Sa hindi magandang pangyayari na hindi tumutugon ang telepono mo. patay, nagpapakita ng blangko o itim na screen, o hindi bumubukas kahit pinipindot ang buton ng power, maaari mo itong i-restart sa pamagitan ng pwersadong pag-reset. Pindutin at diinan ang Power button sa loob ng 7 - 10 segundo. Awtomatikong magre-restart at magre-reboot ng karaniwan.