Tumawag
Maaari kang tumawag mula sa Telepono app, sa Mga Contact app o iba pang apps o mga widget na nagpapakita ng impormasyon ng contact. Saan ka man nakakakita ng numero ng telepono, karaniwan ay maaari mo itong pindutin upang i-dial.
Upang tumawag gamit ang Telepono app:
Gawin ang isa sa sumusunod:
- Mula sa lock screen, i-swipe
pakanan. - Pindutin ang
.
Gawin ang alinman sa sumusunod:
- Upang mag-dial sa pamamagitan ng boses, pindutin ang
at magsabi ng pangalan o numero. - Para tawagin ang sinuman sa pangalan nila, simulang mag-type ng pangalan. Makikita mo ang listahan ng mga posibleng mga kapareho. Pindutin lamang para makatawag.
Para mag-dial ng numero, pindutin ang
, ilagay ang numero at pindutin ang
. Kung mali ang nailagay mong numero, pindutin ang
.
- Para mag-scroll papunta sa mga contact at mapindot ang mga numerong tatawagan, pindutin ang MGA CONTACT. (Kung bukas ang dialer, i-swipe pababa upang makita ang MGA CONTACT tab.)
- Para tawagan ang mga contact na nilagyan mo ng star, pindutin ang SPEED DIAL tab.
- Para makapag-return call, pindutin ang Mga Kamakailan. Pindutin ang pangalan o numero ng tumawag, pagkatapos ay pindutin ang I-DIAL MULI.
Mga Tip- Upang tumawag sa madadalas na numero gamit ang isang pagpindot mula sa iyong home screen, magdagdag ng Direktang pag-dial widget.
- Upang makatawag kahit hindi hinahawakan ang iyong telepono, gamitin ang voice command.
- Maari mong i-save ang kamakailan lamang na tawag bilang isang contact.
- Sa panahon ng tawag, maari kang mag-multitask, gamitin ang speakerphone o ang nakapares na Bluetooth device, at idagdag ang ibang tao sa tawag.