Tungkol sa seguridad
Para mapanatiling ligtas ang iyong telepono, gamitin ang screen lock kapag mag-i-sleep ang iyong telepono:
- Pumili ng pattern, PIN, o password para ma-unlock. Magdagdag ng Smart Lock para awtomatikong ma-unlock kapag nakakonekta sa pinagtitiwalaang device, kung nasa pinagtitiwalang lugar (tulad ng bahay o trabaho), sa pamamagitan ng facial recognition, o hanggang sa ibaba mo ang iyong telepono.
- Maari mong ma-access ang mga abiso at mabilis na setting, simulan ang pagtawag, at lunsad ang camera mula sa lock screen.
- Maaari kang magsagawa ng mga emergency na tawag sa isang naka-lock na telepno. Nagri-ring pa rin ang isang naka-lock na telepono; hindi mo ito kailangang i-unlock upang sagutin.
- Kung nakalimutan mo ang iyong pattern, PIN, o password, makipag-ugnayan sa iyong carrier.
Maari mong ipasadya ang lock screen sa pagdagdag ng impo ng contact. Maari mo ring kontrolin aling mga abiso ang lalabas sa iyong lockscreen at gaano karaming impormasyon ang isasama nila.
Para sa karagdagang seguridad, maari mo ring:
- Kumonekta sa virtual private network kung kailangan mo ng access files sa isang ligtas na network.
- Magdagdag ng SIM lock para makontrol ang gamit ng mobile data.
- I-encrypt ang telepono mo. Pinoprotektahan ng encryption ang mga account, app, at file upang hindi ma-access ng mga tao kung maagaw ang iyong telepono.
- Para maiwasan ang Malware gumawa ng sandaling research bago i-download ang isang app.
- I-block lahat ng mga tawag at mga mensaheng text mula sa isang numero sa pamamagitan ng paghingi ng block sa iyong carrier o sa pamamagitan ng pag-download ng app na pang block ng numero mula Play Store.