Pangasiwaan ang SD card
Maaari mong ilipat ang media mula sa panloob na taguan ng telepono papunta sa iyong SD card, mabilis na matanggal ang card upang mailipat ang laman sa ibang mga device, tingnan ang available na espasyo ng taguan, at burahin ang lahat ng nilalaman para makapagsimula ng bago.
Ilipat ang media mula sa pang-loob na taguan papunta sa SD card
- Siguraduhin na nailagay mo ang iyong SD card.
- Pumunta sa Mga Setting at pindutin ang Storage.
- Pindutin ang Ilipat ang media.
- I-check ang mga box para sa mga tipo ng media na ililipat (mga larawan, movie, musika).
- Pindutin ang Ilipat.
TipMaari mong iset ang camera para itago ang lahat ng mga larawan at video mo
sa SD card.
Burahin ang SD card
- Pumunta sa Mga Setting at pindutin ang Storage.
- Pindutin ang Burahin ang SD card.
- Kumpirmahin ang PIN o Password mo.
- Pindutin ang Burahin ang lahat.