I-set up ang mga tampok ng nawalang telepono
I-set up ang iyong Motorola ID ngayon para kung, sakali na mawala o kinuha ang telepono mo, maari mong mahanap at siguraduhin kahit malayo. Basta naka-on ang telepono at may koneksyon ng data o Wi-Fi, maari kang pumunta sa motorola.com/support mula sa desktop ng computer at:
- Hanapin ang telepono mo, Idagdag ang screen lock para mapigilan ang iba na mag-access sa personal mong impormasyon, o alisin ang mga data mo
- Ipa-ring ang telepono mo ng napakalakas sa loob ng ilang minuto habang hinahanap mo ito.
- Maglagay ng espesyal na message na lalabas sa telepono mo kung sakali na makita ito
- I-reset ang iyong screen lock sa pamamagitan ng pagpapalit ng iyong kasalukuyang lock na may password lock
TipKung naidagdag
ang Google account at
gumamit ng screen lock, tapos awtomatikong mapoprotektahan ang iyong telepono. Kung nawala o ninakaw ang iyong telepono, mananatili itong naka-lock hanggang sa makapag-sign in ka sa iyong Google account, Kahit na mayroong nag-reset nito sa factory settings.
I-set up ang iyong Motorola ID
Maaring nai-set up mo na ang iyong Motorola ID kapag ise-set up o ang ibang Motorola app.
- Pumunta sa Mga Setting > Motorola ID.
- Pindutin ang Susunod.
Gawin ang isa sa sumusunod:
- Para gumamit ng umiiral na account, Pindutin ang pangalan ng account > OK.
- Para gumamit ng ibang account, pindutin ang Magdagdag ng account > OK.
- Pindutin ang OK para matanggap ang mga permiso.
Baguhin ang account
Maari mong baguhin ang account na kaugnay sa iyo Motorola ID anumang oras:
- Pumunta sa Mga Setting > Motorola ID.
- Pindutin ang > I-sign out.
- Kompirmahin na gusto mong mag-sign out.
- I-set up muli ang iyong Motorola ID, gamit ang ibang account.