Baguhin ang wallpaper

Kailangan bang baguhin ang eksena? Baguhin ang iyong wallpaper kung kailan mo gusto. Maaari kang pumili mula sa mga Live (animated) na wallpaper, mga standard na wallpaper, o mga litrato mo.

TipKung mahina na ang iyong baterya, pansamantalang palitan ang animated na wallpaper ng isang static na imahe upang makatipid ng power.
  1. Pindutin ang & diinan ang blankong lugar sa home screen mo, tapos pindutin ang Mga Wallpaper.
  2. Pindutin ang wallpaper o ang gagamiting larawan.
  3. Pindutin ang Itakda ang wallpaper.