Kontrolin ang paggamit ng data

Minsan madaling lumampas sa iyong limitasyon ng data ng plan nang hindi nalalaman. Upang maiwasan ang mga sorpresa, magtakda ng babala sa paggamit na aabisuhan ka kapag malapit ka na sa iyong limitasyon, at mag-set ng limitasyon na ino-off ang mobile data kapag ang limitasyon ay naabot. Maaari mo ring limitahan ang paggamit ng background data para sa mga tiyak na data-intensive apps o lahat ng apps upang i-save ang data.

Mag-set ng babala sa paggamit at limitasyon sa paggamit

  1. Pumunta sa Mga Setting > Paggamit ng data.

    TipO, i-swipe ang status bar pababa gamit ang dalawang daliri at pindutin ang pangalan ng iyong carrier.
  2. Upang i-set ang antas ng babala, i-drag ang kanang bahagi ng warning bar pataas/pababa.

    Kapag naabot na ng iyong paggamit ng data ang tinukoy na antas, makakatanggap ka ng notification.

  3. Upang i-set ang limitasyon sa paggamit, tingnan ang Itakda cellular data limit. Pagkatapos ay i-drag ang kanang gilid ng limit bar pataas/pababa.

    Kapag umabot na sa tinukoy na antas ang iyong paggamit ng data, i-o-off ng telepono mo ang paggamit n data.

Paghigpitan ang background data

Kahit hindi mo ginagamit ang mga ito, karamihan ng apps ay nagsi-sync ng data sa background para sa optimum performance. Upang mabawasan ang paggamit ng data, maaari mong paghigpitan ang paggamit ng background data para sa indibidwal na apps, o maaari mong paghigpitan ang lahat ng paggamit ng background data.

Kapag pinaghigpitan mo ang background data, hindi ka makakatanggap ng mga notification ng app mula sa apps na kadalasang naka-sync sa background (tulad ng Gmail) hanggang buksan mo ang app; pagkatapos ang data ay isi-sync gaya ng dati.

Upang paghigpitan ang paggamit ng data ng background para sa indibidwal na apps:

  1. Pumunta sa Mga Setting > Paggamit ng data.
  2. Mag-scroll pababa upang makita kung aling apps ang naglilipat ng data sa pamamagitan ng mobile network.
  3. Pindutin ang app, pagkatapos ay pindutin ang > Paghigpitan ang data ng background.

Upang paghigpitan ang paggamit ng data ng background para sa indibidwal na apps:

  1. Pumunta sa Mga Setting > Paggamit ng data.
  2. Pindutin ang > Paghigpitan ang data ng background.