Maligayang Pagdating sa mundo ng mga smartphone! Humandang mapahanga sa lahat ng mga paraan maari mong ayusin t manatiling konektado sa mga tao at bagay na mahalaga sa iyo. Tingnan ang mga payong ito para sa madaling pagsimula.
Ang bago mong telepono ay parang maliit na computer, binibigyan ka ng napakaraming impormasyon at app. Depende sa kung ano ang ginagamit mo, maaari itong gumamit ng maraming power. Magplano na i-charge ang telepono mo tuwing gabi upang maging handa ito sa susunod na araw.
Dala-dala mo ang iyong telepono, at may mga aksidenteng nangyayari; may mga pagkakataong nawawala ang mga telepono. Kaya't mag-setup ng seguridad at maiwasan ang problema kung mawala ang iyong telepono.
Mag-set up ng screen lock. Ito ang unang depensa upang mapanatiling ligtas ang mga sensitibong impormasyon mo. Mas gusto ang mga numero, hugis, salita? Mag-set up ng PIN, pattern, o password na kailangan para i-unlock ang telepono mo.
Hindi ka pinipigilan ng screen na agad na sagutin ang tawag o gamitin ang camera. Maari ka ring mag-setup ng mga widget para sa lock screen para sa mga limitadong pagtingin ng iyong impormasyon, pinananatili ang buong access sa mga app at ligtas na impormasyon.
Ipakita ang iyong impormasyon ng may-ari. Sa iyong lock sreen, maipapakita roon ang "pakibalik" na mensahe kasama ang iba pang impormasyon para makontak ka upang, kung mawala ang telepono mo, maaring maibalik ito sa iyo ng ibang tao.
Paganahin ang mga tampok ng nawalang telepono. Para sa kapayapaan ng iyong isipan, i-set up na ngayon ang iyong Motorola Device ID. Hanggang nakabukas ang telepono mo at may data, o Wi-Fi na koneksyon, maari kang pumunta sa www.motorola.com/suporta mula sa desktop computer at:
May kasamang maraming nakatutuwa at kapaki-pakinabang na app ang iyong smartphone, ngunit talagang mapapalabas mo ang kakayahan nito sa pag-install ng mga app na angkop sa iyong pamumuhay. Pumunta sa Play Store upang subukan ang mga libre at may bayad na app na tutulong sa iyong maging mas produktibo, organisado, may-alam, nakasasabay sa lahat, at nasisiyahan. Play Store nag-aalok din ng mga musika, pelikula, palabas saTV, at mga libro.
Marahil ang wallpaper mo ang unang mong ginagawa para maging mas mas personal, huwag huminto dito. Tiyaking subukan ang iyong Mga Setting menu para i-set ang mga ringtone, font size, mas gustong paggamit ng data, mas gustong keyboard, at marami pang iba. It's a great way to learn many of your phone's capabilities while customizing it to suit your needs. Napakagaling na paraan ito para malaman ang marami pang kakayahan ng iyong telepono habang mas pinapasadya ito upang maging angkop sa mga pangangailangan mo.
Sa karamihan ng mga app maaring pindutin
o
para sa tinukoy na mga setting ng app. Tiyaking makita rin ano ang mga opsyon na mayroon para sa iyo roon.
Maunawaan ang iyong paggamit ng data. Bantayan ang iyong paggamit ng data at malaman kung paano masulit ito. Alamim aling mga app ang gumagamit ng malaking data at ayusin ang mga setting nito kung gusto mo. Magtakda ng babala sa paggamit at limitasyon sa paggamit para hindi ka lumampas dito. Maari mong ihinto ang pag-auto-sync sa iyong koneskyon sa mobile data connection mula sa mga quick setting sa pamagitan ng pag-toggle sa off ng koneksyon ng data.
Gamitin ang Wi-Fi upang makatipid ng mobile data. Kapag komonekta ka sa Wi-Fi network, ang data mo ay mag-auto-sync over sa koneksyon nito sa halip na sa iyong mobile data na koneksyon, natitipid ang mobile data kung kailan mo kailangan ito. Mula sa mga quick setting, i-toggle sa on koneksyon ng Wi-Fi.
Sabihin sa telepono mo kung ano ang gagawin. Gamitin ang telepono mo ng hands-free gamit ang mga voice command. Sabihan ito na inabiga ka, at pakinggan ito para sabihin sa iyo ang mga direksyon habang nagmamaneho ka, --babalik ito sa ruta kapag naligaw ka. Sabihan ito na itakda ang alarma, maghanap ng impormasyon sa web, tumawag. Upang magdikta sa halip na mag-type ng text. At tiyaking gamitin ang Assist mga katangian ng Nagmamaneho app, kabilang ang voice readout para sa mga papasok na tawag at text message, at mga hands-free text message na sagot.
Hindi kailanman mawalan ng pagkakataon na magpakuha ng litrato. Awtomatikong buksan ang camera mula sa iyong lock screen. Pindutin
at i-drag ito pakaliwa. Maari kang gumamit ng mga app na nag-aalok ng mga awtomatikong pag-backup ng mga kinunan mo, gaya ng Google+ at iba pang mga app sa pagbabahagi ng litrato na mayroon mula sa Play Store.
Itago ang mga gamit mo. May mnalaking espayo ng panloob na taguan ang bago mong telepono, kaya matatago ang mga item mo ng direkta sa telepono mo, sa halip na sa SD card. Maari mong buksan ang mga nakatagong item sa mga kaugnay na mga app, gaya ng Gallery upang makita ang mga litrato at video mo. Madali lang ang paglipat ng mga item sa iyong telepono papunta sa computer gamit ang USB cord na kasasa sa telepono mo.
Para sa mas malaking espasyo ng taguan, dagdag ang kakayahan na ma-access ang media at mga file mula sa anumang aparato na konektado sa internet, (telepono, computer, tablet), binibigyan ka ng bago mong telepono ng access sa taguan sa cloud. Nagbibigay din sa iyo ang iyong Google account ng libreng taguan sa cloud sa Google Drive, na may sariling app at magagamit din sa iyong mga app mula sa
menu sa lahat ng iba pang mga app.
Kapag alam mong hihina ang koneksyon mo o walang koneksyon, marami sa mga app mo ang papayagan ka na i-pin ang mga cloud item, pansamantalang tinatago ang mga ito sa iyong telepono. Maari kang mag-unpin kapag tapos ka na upang mapanatili na bakante ang memory ng telepono mo.
Wi-Fi hotspot. Maari mong ibahagi ang data na koneksyon ng telepono mo bilang Wi-Fi hotspot o direktang i-tether ang iyong telepono sa compuer para maka-access ng Internet. Kung may iba ka pang mga aparato na kailangan ng koneksyon sa internet (halimbawa, laptop, tablet, o iba pang telepono), maaari mong gamitin ang telepono mo bilang Wi-Fi hotspot.
I-reset ang telepono Sa hindi magandang pangyayari na hindi tumutugon ang telepono mo. patay, nagpapakita ng blangko o itim na screen, o hindi bumubukas kahit pinipindot ang buton ng power, maaari mo itong i-restart sa pamagitan ng pwersadong pag-reset. Pindutin at diinan ang Power button ng 7 - 10 segundo. Awtomatikong magre-restart at magre-reboot ng karaniwan.
global-tl-ph-tl-ph-3263-44 2014-10-15T12:08:07