Kontrolin ang paggamit ng data

Minsan, madaling lumagpas sa mga limitasyon ng iyong data plan nang hindi ito nalalaman. Gayunpaman, may paraan upang maiwasan ang pagkabigla. Maaari kang mag-set up ng mga babala sa paggamit nang sa gayon ay alam mo kapag malapit ka na dito, at mag-set up ng mahihigpit na limitasyon na nag-o-off sa mobile data nang sa gayon ay hindi ka lalagpas sa iyong limitasyon. Ang ilang apps ay naglilipat ng data sa background, kapag hindi mo ginagamit ang mga iyon; maaari mong pagbawalan ang paggamit ng data sa background para sa apps na ito na malakas kumonsumo ng data.

Mag-set ng babala sa paggamit at limitasyon sa paggamit

  1. Pumunta sa Mga Setting > Paggamit ng data.

    TipO, i-swipe ang status bar pababa gamit ang dalawang daliri at pindutin ang pangalan ng iyong carrier.
  2. Upang i-set ang antas ng babala, i-drag ang kanang gilid ng orange na bar pataas/pababa.

    Kapag naabot na ng iyong paggamit ng data ang tinukoy na antas, makakatanggap ka ng notification.

  3. Upang i-set ang limitasyon sa paggamit, lagyan ng check ang Itakda ang limitasyon ng data ng mobile. Pagkatapos, i-drag ang kanang gilid ng pulang bar pataas/pababa.

    Kapag umabot na sa tinukoy na antas ang iyong paggamit ng data, i-o-off ng telepono mo ang paggamit n data.

Paghipitan ang paggamit ng data ayon sa app

  1. Pumunta sa Mga Setting > Paggamit ng data.
  2. Mag-scroll pababa upang makita kung aling apps ang naglilipat ng data sa pamamagitan ng mobile network.
  3. Pinutin ang isang app, pagkatapos ay pindutin ang > Paghigpitan ang data ng background.

Pagbawalan ang lahat ng paggamit ng data sa background

  1. Pumunta sa Mga Setting > Paggamit ng data.
  2. Pindutin ang > Paghigpitan ang data ng background.

global-tl-ph-tl-ph-3263-44 2014-10-15T12:08:07