Hanapin ang mga setting ng telepono
Ang mga setting na madalas mong inaayos, tulad ng mga pag-toggle para sa Wi-Fi, at Bluetooth, ay mga quick setting, madaling kunin mula sa anumang screen. Maari mo ring buksan ang buong listahan ng mga setting kapag kailangan mo ang mga ito.
Buksan ang mga quick setting
Upang buksan ang mga quick setting, gawin ang isa sa sumusunod:
- I-swipe pababa gamit ang dalawang daliri mula sa itaas ng anumang sceen.
- I-swipe pababa mula sa itaas gamit ang isang daliri ng anumang sceen upang buksan ang iyong mga abiso. Pagkatapos pindutin
.
Buksan lahat ng mga setting
Upang buksan ang buong listahan ng mga settting, gawin ang isa sa mga sumusunod:
- Buksan ang mga quick setting at pagkatapos pindutin MGA SETTING.
- Pindutin ang
> Mga Setting.
Tungkol sa mga quick setting
Mula sa mga quick setting, maaari kang/mong:
- I-toggle ng on/off ang mga koneksyon. I-adjust ang Wi-Fi, Bluetooth, mga serbisyo na batay-sa-lokasyon, at Airplane mode. Pindutin at diinan ang isa upang mabilis itong i-on/off. O, pindutin ang isa upang irepaso ang mga kaugnay na setting.
- Tingnan ang mga notification. Pindutin ang
. - Baguhin ang petsa at oras. Pindutin ang oras at baguhin ang mga setting kung kinakailangan.
- Tingnan kung ano ang pinakamalakas gumamit ng baterya.. Pindutin ang icon ng baterya.
- Irepaso at i-adjust ang paggamit mo ng data. Pindutin ang pangalan ng iyong carrier.
- Baguhin ang iba pang mga setting. Pindutin ang MGA SETTING upang makita ang lahat ng setting ng telepono.
Kung nakikita mo ang sumusunod na litrato, hindi mo pa nase-set up ang iyong owner profile. Pindutin ang
> Mga Tao > I-set up ang aking profile.
