Maghanap ng mga larawan at file na maaaring i-download
Maaari kang mag-download ng mga file at maglagay ng mga ganoon sa iyong telepono, kasama ang:
- Mga larawan, video at dokumentong na-save mo mula sa mga email o mga text
- Mga aklat, pelikula o iba pang nilalaman na binibili mo sa Play Store at sine-save mo para sa offline na pagtingin
- Iba pang mga file o larawan na dina-download mo mula sa web
Kapag natapos nang ma-download ang file, lumalabas ang
sa status bar. Pindutin ang notification upang buksan ang file sa naaangkop na app.
Upang tumingin, mag-edit o magtanggal ng mga download:
- Pindutin ang
> Mga Download. Gawin ang alinman sa sumusunod:
- Upang magbukas o mag-play ng file, pindutin ito. Para sa mga opsyon sa pag-edit, pindutin ang . Maaari ka lang mag-edit ng ilang uri ng file.
- Para i-sort ang mga file sa pamamagitan ng pangalan, petsa ng pagbabago, o laki, pindutin ang
. - Upang ibahagi ang isang file, pindutin ito nang matagal, pagkatapos ay pindutin ang
. - Upang tanggalin ang isang file, pindutin ito nang matagal, pagkatapos ay pindutin ang
.
TipUpang mag-access ng mga download mula sa isang computer, ikonekta ang iyong telepono gamit ang
USB cable. Pakatapos, buksan ang internal storage ng telelpono at hanapin ang mga file sa I-download folder.