Tingnan ang mga abiso

Kung makakatanggap ka ng bagong mensahe, paalala ng petsa, hindi nasagot na tawag, o iba pang mga abiso, makikita mo ito sa iyong lock screen o sa iyong home screen.

Maaari ka ring makarinig ng tunog kapag dumating ang isang notification, depende sa iyong mga setting ng notification.

Tignan ang mga abiso mula sa kahit anong screen

Direktang makikita ang iyong mga abiso sa iyong lock screen o kung iyong isa-swipe pababa ang bar ng katayuan sa iyong home screen. Mula doon puwede mong:

  • Tumugon sa isang abiso. Mula sa iyong lock screen, pindutin ito ng dalawang beses at ipasok ang iyong PIN, pattern, o password para ma-unlock ang iyong screen at buksan ang kaugnay na app. Mula sa abiso sa bar ng katayuan, pindutin ito para mabuksan ang kaugnay na app. Ang ilang abiso ay may kasamang aksyon sa ibaba na nagpapahintulot sa iyo na matapos ang isang gawain ng hindi binubuksang buo ang app.
  • Palawakin ang isang abiso. Nakatago ang mga pagkilos para sa isang abiso kung marami kang abiso. I-drag ang isang abiso pababa para ilabas ang anumang aksyon.
  • I-dismiss ang isang notification. I-swipe ito pakaliwa.
  • Alisin ang lahat ng abiso. I-swipe hanggang sa dulo ng iyong mga abiso at pindutin ang . Ang ilang abiso, tulad ng mga voicemail, ay nangangailangan ng aksyon at hindi maaaring idispatsa.
TipUpang mai-off ang mga abiso mula sa isang app, pindutin ng hawakan ng matagal ang abiso, pagkatapos ay pindutin I-block at i-on.

Pangasiwaan ang mataas-na prayoridad na mga abiso

Kung ikaw ay gumagamit ng app at isang mataas-na proayoridad na abiso ang dumating (tulad ng isang parating na tawag o isang alarm), isang maliit na abiso ang lilitaw sandali sa ibabaw ng kasalukuyang app para makagawa ka ng aksyon:

  • Para madispatsa ito agad, mag-swipe patungo sa gilid.
  • Para mai-save ito sa iyong mga abiso para mamaya, mag-swipe pataas.

Mga advanced na paraan upang makakuha ng mga notification

Maaari mong i-preview at buksan ang mga abiso kapag naka-off ang iyong screen, kahit na mula sa isang naka-lock ang screen, sa pamamagitan ng Moto Display. At kapag ikaw ay malayo sa iyong telepono, maaari kang magpadala ng mga abiso at mga mensahe sa browser ng iyong computer Chrome sa pamamagitan ngMotorola Connect.