Tungkol sa iyong home screen

Makikita mo ang home screen kapag ini-on at ini-unlock ang telepono mo o pinindot ang .

Makakapagdagdag ka ng iba pang mga pahina sa kanan kung kinakailangan. Upang makapagdagdag ng pahina, i-drag ang app shortcut o widget sa sulok ng umiiral na pahina at ilagay ito sa bagong pahina.

Mag-swipe pakanan o pakaliwa upang ilipat ang pahina.

Narito ang mga bahagi ng iyong home screen:

  1. Bar ng katayuan: Ipinapakita ang oras at mga icon na nagsasabi ng baterya ng telepono at mga koneksyon ng network mo. Mag-swipe pababa upang tingnan ang iyong abiso at mabuksan ang iyong mabilis na mga setting, madaling gamiting toggle switch.
  2. Widget: Maari kang magdagdag ng mga widget sa home screen mo para sa mabilis na pag-access sa mga impormasyon o madalas na gawain.
  3. Shortcut: Nagbubukas ng app o ng web page. Maaari kang magdagdag ng mga shortcut sa apps o mga pahina ng web na madalas mong ginagamit, sa halip ng pagbubukas at pag-scroll sa pamamagitan ng iyong listahan ng lahat ng apps o pag-navigate sa iyong mga bookmark.
  4. Favorites tray: Nagbibigay ng isang pindot na pag-access sa pinakamadalas mong gamiting mga app mula sa anumang mga pahina ng home screen. Maari ninyong i-customize kung ano ang lilitaw sa Favorites tray. Para buksan ang listahan ng lahat ng mga app mo, pindutin ang .
  5. Pag-nabiga: Nagbabalik sa iyo sa isang screen. nagbabalik sa iyo sa home screen mula sa anumang app. nagbibigay daan sa iyo na lumipat sa pagitan ng kasalukuyang mga app. Kapag hindi ka huminto sa madalas na paggamit nitong mga buton, liliit ito sa maliit na tuldok o tuluyan ng mawawala, depende sa kasalukuyang app. Upang maibalik sila, pindutin ang kanilang lokasyon.
  6. Folder: Magdagdag ng mga folder para ayusin ang mga shortcut ng app.

Kapag naka mode ang Battery Saver telepono, ang itaas (status bar) at ilalim (navigation buton)ng home screen ay nagiging orange.

Kung gusto mo ng talagang bagong itsura at pakiramdam para sa iyong home screen, maari kang gumamit ng ibang panglunsad. Para sa hindi masyadong drastikong pagsasa-ayos, baguhin lamang ang wallpaper.