I-set up ang Daydream

Habang idle ang iyong telepono sa isang dock o charger, gawin itong isang photo frame upang ipagmalaki ang mga litrato mo, o isang desk clock, o higit pa gamit ang Daydream screensaver. Mag-download ng apps mula sa Play Store para sa higit pang mga pagpipilian.

Simulan ang Daydream

  1. Pumunta sa Mga Setting > Pagpapakita.
  2. Pindutin ang Daydream at i-slide ang switch patungo sa I-ON.
  3. Upang piliin ang Daydream na gagamitin, pindutin ang pangalan nito. Upang mag-set ng higit pang mga opsyon, pindutin ang sa tabi ng pangalan at markahan ang mga checkbox.
  4. Upang i-preview ang iyong napili, pindutin ang MAGSIMULA NGAYON. Pumindot kahit saan sa screen (i-unlock kung kinakailangan) upang bumalik sa mga setting ng Daydream.

    TalaKung nagpi-preview ka ng isang napiling interactive, tulad ng Photo Table, pindutin ang upang bumalik sa mga setting ng Daydream. Kung hindi mo nakikita ang icon, pindutin ang (kaliwang sulok ng screen sa may ibaba).
  5. Upang piliin kung kailan gagamitin ang Daydream (habang naka-dock, nagta-charge, o anuman), pindutin ang KAILAN MAGDE-DAYDREAM.

Daydream: awtomatiko itong magsisimula sa susunod na pagkakataong ikokonekta mo ang iyong telepono sa isnag dock o charger, kapag nagsisimulang mag-sleep ang screen.

Upang simulan ang Daydream anuman oras, buksan ang screen ng mga setting ng Daydream at pindutin ang MAGSIMULA NGAYON.

Ihinto ang Daydream

Upang bumallik sa home o lock screen, galawin ang iyong telepono. Kung gusto mong panatilihing naka-dock ang iyong telepono, pumindot ng anumang navigation key.

I-off ang Daydream

  1. Pumunta sa Mga Setting > Pagpapakita.
  2. Pindutin ang Daydream at i-slide ang switch patungo sa I-OFF.

Magdagdag ng mga screensaver

Hanapin ang "Daydream" sa Play Store para sa apps na nagbibigay sa iyo ng mas marami pang Daydream screensaver.

Pagkatapos mong mag-install ng app, makikita mo ang bagong opsyon sa iyong listahan ng Daydream.

global-tl-ph-tl-ph-3263-44 2014-10-15T12:08:07