Baguhin ang volume
Magkakaiba ang mga setting ng iyong telepono para sa mga volume na ito:
- Mga Ringtone
- Mga Notification
- Media (musika, video, mga laro)
- Alarm
- Tawag
Ang pagbago sa isang volume ay hindi makakaapekto sa iba, kaya maaari mong palakasin ang musika nang hindi ginagawang parang sumisigaw na ang mga tumatawag sa iyo.
Gamitin ang mga volume key sa gilid ng iyogn telepono:
- Upang baguhin ang volume ng tawag habang nasa isa kang tawag
- Upang baguhin ang volume ng media habang nagpe-play ng kanta, video o laro
- Upang baguhin ang volume ng ringtone kapag wala ka sa isang tawag o hindi ka nagpe-play ng media
TipPara mabilis na mapatahimik ang telepono mo, pindutin ang buton ng power, tapos ay pindutin ang

o

.
Maaari mo ring gamitin ang mga setting ng telepono upang baguhin ang mga volume:
- Pumunta sa Mga Setting.
- Pindutin ang Tunog > Mga Volume.
- Pindutin at i-drag upang baguhin ang bawat volume kung kinakailangan.
TipGamitin ang Assist app upang awtomatikong baguhin ang mga setting ng volume.