Welcome sa Android! Nailipat mo na ang iyong mga contact at kaganapan sa kalendaryo I-migrate sa app, 'di ba? Kung gayon pag-usapan natin ang kaibahan sa pagitan ng iyong lumang iPhone at ang iyong bagong telepono.
Paalam Apple App Store, hello Google Play Store. Play Storeang default app store mo na ngayon. Ang mga app na hindi magkatugma sa pagitan ng iPhone at Android. Gayunpaman, maraming developer ang gumagawa ng mga bersyon ng iPhone at Android ng kanilang mga app; kung tinatago ng mga app store ang iyong data sa online, maari kang lumipat nang madali. I-download lang ang bersyon na Android mula sa Play Store at mag-log in.
Kung ginamit mo ang tampok na “Huwag Istorbohin” sa iPhone, ngayon gamitin ang Assist app. Maaring awtomatikong patahimikin ng app ang telepono mo kapag nasa pulong ka o sa mga oras sa gabi na tinukoy mo.
Kung gumamit ka na ng iMessage dati, ngayon maari ka ng gumamit Motorola Connect para sumagot ng mga text messages sa iyong computer.
Sa iyong lumang iPhone, nasa malayong kaliwa ang iyong home screen. Ngayon, ang iyong home screenmagsisimula bilang gitna ng limang pahina.
Ipinakita ng iyong lumang telepono ang lahat ng mga app sa iyong home screen. Sa iyong bagong telepono, maari kang maglagay ng mga shortcuts sa iyong pinakamahalagang mga app sa iyong home screen para sa mas mabilis na pag-access. O, hanapin ang iyong buong listahan sa pagpindot sa
. Binabakante nito ang iyong home screen para sa mga widget, ginagawang mas may buhay ang iyong bagong home.
Parehong may mga app icon ang Android at iPhone, ngunit mayroon ding mga widget widget ang Android. Ang mga widgets ay parang mga maliliit na app sa screen mo na interactive o stream na impormasyon sa iyo. Halimbawa, maaring magbigay ng update sa lagay ng panahon o paparating na mga kaganapan sa kalendaryo ang widget.
Gaya ng luma mong iPhone, makikita mo ang mga abiso sa itaas ng screen, na maari mong i-swipe pababa para repasuhin. Pero sa bago mong telepono, maari mong i-swipe ang mga ito pakaliwa o pakanan para i-dismiss ang mga ito. Gayundin, gamit ang dalawang daliri gamit ang dalawang daliri sa halip na isa, at mahahanap mo ang I-ON/I-OFF mag-toggle para sa airplane mode, Wi-Fi, at ilang iba pang mga mahalagang setting.
Ang iyong Google account ang susi sa cloud storage sa Google. Kung nilipat mo ang iyong mga contact s iyong telepono, maari mo nang makita ang mga ito mula sa anumang aparato o computer sa pag-login sa Gmail. Kasama Google sa iyong account ang mga app gaya Kalendaryo at Drive na pinapayagan ka na magtrabaho nang mahusay kasabay ng iba. At may mga app ito na pinapayagan ka na maglaro rin - i-access ang iyong mga litrato, video, musika mula sa anumang aparato kapag nag-login ka sa iyong Google account. Gamitin Google Play Music, upang i-upload ang iyong iTunes library.
Maghanap gamit ang boses mo o iyong mga daliri.. Walang hangganan ang mga opsyon sa paghahanap. Gamit ang paghahanap sa Google, maaring mag-nabiga, magsalin-wika, magkalkula, makuha ang oras ng pelikula, at iba pa.
global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42