Magdagdag ng mga widget sa lock screen

Kumuha ng mga mahahalagang update at abiso ng hindi ina-unlock ang telepono mo. Maari kang magdagdag ng mga widgets sa lock screen mo at i-swipe ito sa pagitan nila.

Magdagdag ng mga widget sa lock screen

Bago idagdag ang mga widget ng lock screen, siguraduhin na gumagana ang mga ito. Pumunta sa Mga Setting > Seguridad at tingnan I-enable ang widget.

Upang magdagdag ng mga widget sa lock screen:

  1. Mag-swipe pakanan mula sa kaliwang gilid ng lock screen hangga't sa makakita ka ng icon na malaking plus.

  2. Pindutin ang icon na plus. Kung mapo-prompt, ilagay ang iyong PIN, pattern o password.

    May lumabas na listahan ng mga widget. Maaring magdagdag ng mga widget sa mga listahang ito ang mga app na sumusuporta sa mga widget ng lock screen.

  3. Pindutin ang widget na gusto mong idagdag.
  4. Upang baguhin ang laki ng isang widget, i-drag ang ibaba pababa upang palakihin ito o pataas upang paliitin ito.

Gumamit ng mga widget sa lock screen

  1. Kapag naka-sleep ang screen, pindutin ang Power key upang tingnan ang lock screen.
  2. Mula sa kaliwang gilid ng lock screen, mag-swipe pakanan upang tingnan ang mga widget.
  3. Upang i-unlock ang screen kapag pinalaki ang isang widget, pindutin ang , pagkatapos ay i-unlock tulad ng dati.
TipMula sa kanang gilid ng lock screen, i-swipe pakaliwa para buksan ang camera.

Tanggalin o ayusin ang mga widget ng lock screen

Upang tanggalin ang isang widget, pindutin ito nang matagal, pagkatapos ay i-drag ito patungo sa Alisin. O, para hindi paganahin ang lahat ng mga widget, pumunta sa Mga Setting > Seguridad at alisin ang check I-enable ang widget.

Upang baguhin ang ipinapakitang pagkaksunud-sunod:

  1. Mag-swipe patungo sa isang widget na gusto mong ilipat.
  2. Pindutin nang matagal ang widget, pagkatapos ay i-drag ito patungo sa pagkakasunud-sunod na gusto mo.

Makakuha ng higit pang mga widget sa lock screen

Upang mag-download ng higit pang mga widget para sa lock screen, bumisita sa Play Store at hanapin ang lock screen. Marami sa mga developer ang nagsasama sa kanilang apps ng mga widget para sa lock screen.

global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42