Tungkol sa wireless sharing

Maaaring wireless na ibahagi ang iyong mga larawan at video sa pamamagitan ng maraming paraan. Pag-isipan ang mga salik na ito kapag magdedesisyon kung paano magbabahagi:

Multimedia na mensaheng text (MMS)

Mga benepisyo:

  • Mahusay sa pagbabahagi ng isang larawan, isang slideshow ng ilang larawan, o isang mababang-resolution na video.
  • Mahusay sa pagbabahagi sa isang kaibigan o grupo.
  • Mahusay sa mabilisang pagbabahagi, kung may kaganapang nangyayari.

Mga bagay na isasaalang-alang:

  • Ikaw at ang mga tatanggap ay dapat na mayroong mga mobile data plan para makatanggap ng multimedia na mensaheng text.
  • Ang pagpapadala ng mataas na resolution na mga larawan sa pamamagitan ng mensaheng text ay gumagamit ng mas maraming mobile data.
  • Ang mga larawan ay nananatiling available hanggang sa tanggalin ito ng nakatanggap ng mensahe.
  • Ang mga matataas na kalidad na video ay masyadong malaki at hindi maaaring ibahagi sa mga mensahe na text.
  • Gamitin ang Pagmemensahe app na para kunuha ng larawan at video. Ise-set ng app sa low reslolution ang camera para maging mas mababa ang konsumo ng mobile data. Gumawa ng bagong mensahe at pindutin ang > Kumuha ng larawan o Kumuha ng video.

Matutunan kung paano

Gmail at Gmail mga kalakip

Mga benepisyo:

  • Mahusay para sa pagbabahagi ng isa o ilang mga larawan.
  • Mahusay sa pagbabahagi sa isang kaibigan o grupo.

Mga bagay na isasaalang-alang:

  • Ang pagbabahagi ng email ay nagbibigay ng mas maraming kontrol sa tatanggap ng mmensaheng text kung kailan ito titignan at ido-download ang mga attachement, gaya ng paggamit ng Wi-Fi para pigilan ang kunsumo ng mobile data. Puwede mong i-save ang mga kalakip nalarawan at mga video mula sa mga mensahe at sa halip ipadala ito bilang email.
  • Nililimitahan ng serbisyo email ang sukat ng kalakip. Ang ilang mga serbisyo ng email ay nagbibigay din ng cloud storage na serbisyo at mag-upload ng malalaking file, pagkatapos ay pinapayagang ibahagi ang mga ito sa isang link ng email. Sumangguni sa iyong provider ng email para sa mga detalye.
  • Mananatiling available ang email attachment para sa download hanggang sa tanggalin ng tatanggap ang email.

Matutunan kung paano

Drive o ibang cloud services

Mga benepisyo:

  • Marami ang serbisyong cloud, tulad ng Drive, nag-aalok ng libreng cloud storage na may isang pangunahing account at marami pa sa mga subscriber na mag-upgrade.
  • Mahusay sa pagbahagi ng mataas na resolution na mga larawan, maramihang larawan, buong album, at mga video.
  • Mahusay sa pagkontrol ng pagbahahagi sa pamamagitan ng mga link; ng saglit tulad ng nais mo itong ibahagi.
  • Mahusay sa pagkontrol kung gaano katagal ka magbabahagi ng isang bagay; madali mo itong matanggal o i-off ang mga pribilehiyo sa pagbabahagi.

Mga bagay na isasaalang-alang:

  • Ang mga serbisyo ng Cloud storage ay medyo ligtas, ngunit hindi ganap na ligtas mula sa pagkasira sa seguridad, kaya mag-upload ng maingat.
  • Mag-upload gamit ang Wi-Fi para maiwasan ang singil ng mobile data.

Matutunan kung paano

YouTube o ibang mga social network apps

Mga benepisyo:

  • Mahusay sa pagbabahagi sa publiko, sa mga malalaking grupo ng mga kaibigan, mga tagasunod, at mga subscriber.
  • Paisa-isang ibahagi ang larawan, o magbahagi ng maraming mga larawan, album, o mga video.
  • Mahusay sa pagkontrol kung gaano katagal ka magbabahagi ng isang bagay; madali mo itong matanggal o i-off ang mga pribilehiyo sa pagbabahagi.
  • Maaaring magbahagi ng walang takda sa gayon ay maaaring ma-access ng mga kaibigan kung kailan maginhawa (tingnan sa mga social network para sa mga pagtutukoy).
  • Pinapahintulutan ng ilang mga social network na mag-post ng mga larawan at mga video ng sandali lamang, nakikita ngunit hindi nase-save, habang mananatiling magagamit ng walang takda ang ilang mga post. Tingnan sa mga social network para sa mga pagtutukoy.

Mga bagay na isasaalang-alang:

  • Intindihin ang patakaran sa pagkapribado ng social network at sa pagbabahagi bago ka mag-post.
  • Repasuhin ng madalas ang mga update sa pagkapribado ng social network at mga patakaran sa pagbabahagi.
  • Tandaan na sa sandaling ito ay nai-post sa internet, maaaring ito ay laging available sa internet.
  • Nangangailangan ng Wi-Fi o koneksyon ng mobile data.

Bluetooth

Mga benepisyo:

  • Nagbibigay ng ligtas na pagbabahagi mula sa phone-to-phone o iba pang konektadong device.
  • Nagbibigay ng mabilis na pagbabahagi.

Mga bagay na isasaalang-alang:

NFC/Android beam

Mga benepisyo:

  • Mabilis na paraan upang ibahagi ang isa o higit pang mga larawan at video sa isang kalapit na telepono, tablet, o computer.
  • Hindi na kailangan ang pagpapares ng mga device; idikit lamang ang mga ito ng back-to-back.

Mga bagay na isasaalang-alang:

  • Ang mga device na ibinabahagi mo ay dapat na mayroong NFC.
  • Parehong ang iyong telepono at ang isa pang device ay dapat naka-unlock.

Matutunan kung paano

Droid Zap

Mga benepisyo:

  • Mabilis na paraan upang ibahagi sa mga malapit na kaibigan; hagurin lamang pataas sa isang bukas na larawan o video para ipadala ito.
  • Kontrolin ang seguridad sa pamamagitan ng pagdagdag ng PIN na proteksiyon.

Mga bagay na isasaalang-alang:

  • Kung wala kang Droid Zap sa iyong telepono, bisitahin ang Play Store para makita kung ang libreng app ay available para sa iyong telepono.
  • Ibahagi Droid Zap sa iyong mga kaibigan upang ma-install at magamit ang mga libreng app na ito.
  • Droid Zap ay ginagamit ang GPS ng iyong telepono at Wi-Fi upang malaman ang iyong lokasyon.
  • Nangangailangan ng Wi-Fi o koneksyon ng mobile data.

Matutunan kung paano