Share or receive content with NFC

Ginagawang madali ng NFC na magbahagi sa mga source na pinagkakatiwalaan mo, nang hindi kinakailangang mag-type ng maraming impormasyon o mahirapan sa mga configuration ng account.

Magbahagi ng content sa pagitan ng mga device

Magbahagi o mag-beam ng content mula sa iyong telepono patungo sa isa pang device sa pamamagitan ng pagdikit ng mga device sa isa't isa (karaniwang magkatalikod). Bago ka magsimual, siguraduhing naka-unlock ang dalawang device, sinusuportahan ng mga iyon ang NFC, at naka-on ang NFC at Android Beam.

  1. Buksan ang screen na naglalaman ng bagay na gusto mong ibahagi, gaya ng isang litrato, web page, video, mapa, o contact.
  2. Idikit ang likod ng telepono mo sa likod ng telepono ng kabilang device.

    Kapag nagkonekta ang mga device, magba-vibrate ang mga iyon at makikita mo ang Pindutin upang i-beam sa iyong telepono.

  3. Pindutin ang screen upang ibahagi ang content.

Magbasa ng mga NFC tag sa mga poster at karatula

Makatanggap ng mga web link, e-coupon, brochure, mapa at higit pa mula sa isang NFC tag. Hanapain ang NFC logo sa mga NFC-enabled na accessory, poser, karatula at display sa tindahan. Idikit lang ang likod ng telepono mo sa may 2 cm ng logo upang matanggap ang impormasyon ng tag nito.