Ibahagi ang iyong koneksyon sa mobile data

Maari mong ibahagi ang iyong koneksyon sa data gamit ang isang computer sa pamagitan nh USB tethering o Bluetooth tethering. Maari ka ring magbahagi ng iyong koneksyon sa data gamit ang maraming aparato sa isang saglit sa paggawa nito bilang Wi-Fi hotspot. Maari kang magdagdag ng encryption sa iyong hotspot upang mapigilan ang hindi awtorisadong pag-access.

Ibahagi ang iyong data na koneksyon sa isang computer

  1. Ikonekta sa computer mo ang iyong telepono gamit ang isang USB cable.

    Makikita mo ang sa iyong mga notification.

  2. Sa iyong telepono, pumunta sa Mga Setting.
  3. Siguraduhing naka-off ang Wi-Fi, at pindutin ang Higit pa> Pag-tether & portable na hotspot.
  4. Layan ng check ang Pag-tether sa USB upang simulan ang pagkonekta.

Upang ihinto ang koneksyon, alisan ng check ang Pag-tether sa USB, pagkatapos ay idiskonekta ang iyong telepono at computer.

Mag-set up ng Wi‑Fi hotspot

  1. Pumunta sa Mga Setting > Higit pa > Pag-tether & portable na hotspot.
  2. Pindutin ang Mobile Hotspot settings at kumpletuhin ang setup:

    • Upang i-set up ang seguridad, pindutin ang I-set up ang Wi‑Fi hotspot; i-set up ang pangalan (Network SSID) at password para sa iyong hotspot, at pindutin ang I-save.
    • Upang limitahan ang bilang ng mga device na maaaring kumonekta o upang bigyan lang ng access ang mga device na tutukuyin mo, pindutin ang Manage devices.
    • Upang tipirin ang baterya, maaari mong i-configure kung kailan dapat na awtomatikong mag-off ang hotspot kung wala nang gumagamit nito. Pindutin ang Inactivity timeout at pumili ng oras.

Ikonekta ang iyong mga device sa iyong hotspot

  1. Pumunta sa Mga Setting > Higit pa > Pag-tether & portable na hotspot.
  2. Tingnan ang Mobile Hotspot at isaksak ang iyong telepono upang mag-charge. Ang paggamit sa hotspot ay talagang nakakaubos ng baterya!

    Makikita mo ang sa status bar, na nagsasaad na ang iyong hotspot ay aktibo. Maaaring kumonekta ang mga device sa pamamagitan ng paglalagay ng SSID at password.

global-tl-ph-tl-ph-3338-444 2014-08-27T23:09:49