Naitatago ang mga app sa pang-loob na taguan ng telepono mo. Ang mga file na dinownload mo mula sa email o internet ay itinatago din, doon. Maitatago mo ang mga larawan, video, at musika sa pang-loobo na taguan, ngunit para sa pinakamainam na pagganap, ilibre ang pang-loob na taguan sa pamamagitan ng paggamit ng SD card para itago ang mga bagay na ito. O, para ma-access ang mga file mo kahit saan man na mayroon kang koneksyon ng internet, itago ito sa cloud service tulad ng GoogleDrive.
Maaari kang maglagay ng mga larawan, mga video, musika at iba pang mga file sa SD card.
Kabilang ang mga benepisyo:
Para mailipat ang mga file o matingnan ito sa ibang aparato (TV, computer, etsetera), tanggalin ang SD card mula sa telepono at ipasok ito sa ibang aparato. Maaaring ilipat ang mga file sa loob ng memory ng telepno o ilipat sa isang computer gamit ang isang USB cable.
Ang Clouds ay napakainam sa pagtatago ng mga file na gusto mong ibahagi at i-access kapag umaalis, tulad ng mga larawan, video, at musika.
Kabilang ang mga benepisyo:
Ang mga cloud storage provider ay karaniwang nag-aalok ng libreng storage na maaaring palakihin gamit ang isang bayad na subscription sa sandaling naabot mo na ang limitasyon ng libreng storage. O kaya, maaari mong pamahalaan ang iyong libreng storage sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga file na hindi mo kailangan upang magkaroon ng espasyo para sa mga bagong file.
Ang apps na tulad ng Google+ ay nagbibigay-daan sa iyong mag-back up ng media nang madali gamit ang mga awtomatikong pag-upload. Maaaring i-enable ng mga user ng Google+ ang mga awtomatikong backup upang mag-upload ng mga litrato at video sa isang pribadong folder habang kinukunan ang mga iyon.
global-tl-ph-tl-ph-3338-444 2014-08-27T23:09:49