Ang mga tuntunin na kailangan mong malaman

Airplane mode
Isang setting na nag-o-off sa kakayahan ng iyong telepono na magpadala at makatanggap ng mga signal. Gamitin ito sa isang eroplano upang maiwasan ang pag-transmit ng mga signal na maaaring makasira sa mga komunikasyon ng eroplano. O kaya, gamitin mo ito kung ayaw mong makatanggap ng mga tawag at mensahe pero kailangan mo pa rin ang telepono mo, tulad ng kapag ginagamit mo ang telepono mo bilang isang alarm clock sa tuwing gabi.
app
Isang application (program) na ini-install mo sa iyong telepono upang palawakin ang mga kakayahan nito. Ang telepono mo ay may kasamang ilang apps na naka-pre-install, tulad ng Email at Kalendaryo apps. Mag-download at mag-install ng higit pang apps mula sa Play Store. Maaari kang mag-delete/mag-uninstall ng apps na na-download at na-install mo; hindi maaaring tanggalin ang ilang naka-preinstall na apps.
Bluetooth™
A short-range wireless networking technology that allows two devices to communicate with each other at distances under 8 meters. Use Bluetooth to connect your phone with a headset for making calls, headphones for listening to music, or a hands-free kit for your car.
cellular network o mobile network
Isang network ng mga radio-transmitting tower. Maaari kang tumawag sa telepono mo gamit ang mga radio wave na ipinapadala sa pagitan ng telepono at mga tower ng network. Nagpapadala ka rin ng data at ina-access mo ang Internet sa network na ito. Ang mga carrier ay gumagamit ng iba't ibang teknolohiya upang pangasiwaan ang mga radio transmission na ito (GSM, CDMA, Edge, 3G, 4G, LTE, HSPA, iDEN).
data
Impormasyong ipinapadala o natatanggap mula sa iyong device device na hindi mga tawag o text message. Maaari ka ring gumamit ng data kapag ina-access mo ang Internet, tinitingnan ang iyong email, naglalaro, gumagamit ng apps o higit pa. Maaari ding gumamit ng data ang mga gawain sa background, gaya ng pagsi-sync sa mga serbisyo ng lokasyon.
GPS
Global Positioning System. Ibinibigay ng GPS sa telepono mo ang kakayahang matukoy ang iyong lokasyon sa isang mapa. Gamit ang GPS, ang iyong telepono ay nagiging navigator mo kapag nagmamaneho ka at iyong concierge kapag naghahanap ka ng kalapit na makakainan, pelikula, o tasa ng kape.
mobile hotspot
Isang aparato o app na nagpapahintulot na maibahagi mo ang koneksyon ng data ng mobile na may maramihang aparato sa pamamagitan ng Wi-Fi. Maaring ikonekta ang ibat-ibang mga aparato sa hotspot mo, kabilang ang mga notebook, netbook, MP3 player, camera, telepono, at mga sistema ng protable game. Ang bilang ng mga aparato na maaring kumonekta ng sabay-sabay ay depende sa iyong carrier at bilis ng koneksyon.
NFC
Near-Field Communication. Isang short-range at mabagal na teknolohiya ng wireless networking na nagbibigay-daan sa iyong mabilis na makipagpalit ng impormasyon sa pagitan ng iyong telepono at iba pang mga smartphone, smart accessory at smart poster na nagpapagana ng NFC.
notification
May alerto mula sa iyong telepono o isang app sa iyong telepono. Pinapakita ng telepono mo ang mga icon sa bar ng katayuan para abisuhan ka ng mga bagong message, kaganapan sa kalendaryo at mga alarma. Maaring ipahiwatig ng mga icon ang kasalukuyang katayuan, tulad ng koneksyon sa Wi‑Fi network.
pag-sync
Ang proseso ng pagbabahagi ng parehong impormasyon sa maraming device at website. Ang mga contact, kalendaryo at email ay karaniwang sini-sync sa pamamagitan ng mga cloud service, nang sa gayon ay maaari kang maglagay ng impormasyon sa isang device at ma-access ito sa pamamagitan ng iba.
paggamit ng data
Ang laki ng data na ina-upload o dina-download ng iyong device sa pamamagitan ng cellular/mobile network sa isang ibinigay na yugto ng panahon. Depende sa iyong plan sa iyong carrier, maaari kang masingil ng mga karagdagang bayarin kapag lumagpas ang iyong paggamit ng data sa mga buwanang limitasyon ng iyong plan.
Play Store
Store ng Google kung saan maaari kang mag download ng apps, mga aklat, mga pelikula at musika. Pumili mula sa samu't saring libreng aklat o apps; bumili mula sa isang mas malaki pang pagpipilian.
SD card
Secure Digital (SD) card. Isang maliit, mataas na kapasidad na natatanggal na memory na ginagamit sa isang maliit, portable na mga aparato tulad ng mobile na telepono, tablet, at mga digital camera.
short cut
Isang icon na maaari mong idagdag sa iyong home screen na nagbibigay-daan sa iyong buksan ang isang app. Gumawa ng mga short cut para sa apps na ginagamit mo nang madalas.
SIM card
Subscriber Identity Module (SIM) card. Isang card na ligtas na nagtatago ng impormasyon na ginagamit ng carrier mo para patunayan ang telepono mo sa cellular network.
status bar
Manipis na bar sa tuktok ng iyong screen na nagpapakita ng oras at mga icon na nagsasabi sa iyo tungkol sa baterya at mga koneksyon sa network ng iyong telepono. Ang apps ay nagpapakita ng mga icon sa status bar upang alertuhan ka tungkol sa mga kaganapan, gaya ng mga bagong mensahe.
update sa software
Isang update operating system ng iyong device na karaniwang nagsasama ng mga bagong feature at nag-aayos ng mga naiulat na problema. Ang update ay wireless na dina-download patungo sa iyong device at walang karagdagang gastos sa iyo.
Visual Voice Mail
Isang app na nagbibigay-daan sa iyong makakita ng listahan ng iyong mga voice mail message at pamahalaan ang mga iyon nang hindi kinakailangang mag-dial sa tradisyunal na voice mail system. Maaari mong pakinggan, sagutin, burahin at i-archive ang iyong mga mensahe. Maaari ka ring tumawag at mag-text sa, at magdagdag ng mga bagong contact.
widget
Isang elemento na maaari mong idagdag sa iyong home screen na nagbibigay sa iyo ng mabilis na access sa impormasyon o madadalas na gawain. Halimbawa, ang mga widget ay maaaring magbigay ng mga update sa lagay ng panahon, mga paparating na kaganapan sa kalendaryo, at ang kakayahang mabilis na i-on at i-off ang Wi-Fi o baguhin ang brightness ng iyong screen. Marami ang naka-preinstall sa iyong telepono. Mag-download at mag-install ng higit pang mga widget mula sa Play Store.
Wi‑Fi
Isang teknolohiya ng wireless network na nagbibigay ng internet access na may layo ng hanggang 100 metro. Para makatipid sa mga singil sa data kapag nagda-download o nag-a-upload ka ng malalaking mga file sa web, sa halip ay gumamit ng koneksyon ng Wi-Fi ng cellular/mobile network mo.
Depende sa network at maaaring hindi available sa lahat ng lugar ang ilang partikular na feature, serbisyo at apliccation.

global-tl-ph-tl-ph-3338-44 2014-05-14T15:39:59