Karaniwang nagpo-post ang mga developer ng mga na-update na bersyon ng kanilang apps, habang nagdadagdag ng mga bagong feature o nag-aayos ng mga isyu. Kapag binubuksan mo ang Play Store, tinitingnan ng iyong device kung may mga available na na-update na bersyon ng iyong apps. Para sa ilang apps, dapat mong i-update ang mga iyon nang manu-mano. Gayunpaman, maaaring i-set ang ibang apps upang mag-update nang awtomatiko. Kapag nag-a-update ka ng app, maghanap ng checkbox na maaari mong piliin upang awtomatikong mag-install ng mga update sa hinaharap.
Kung naka-setup ka na awtomatikong makatanggap ng mga update at binago ng app ang impormason sa paraan na gusto nitong ma-acces ang iyong telepono, makakatanggap ka ng abiso na manwal na update at kailangan na repasuhin at tanggapin ang bagong mga permiso. Ang mga pagbabago sa mga permiso ay nakalista sa pahina ng permiso ng app. Repasuhin ang mga permiso, at kung sumasang-ayon ka, pindutin ito Tanggapin. Gamitin ang awtomatikong mga update para sa mga app mula sa maasahang pinagkukunan.
global-tl-ph-tl-ph-3338-44 2014-05-14T15:39:59