I-configure ang mga opsyon sa pag-sync ng account

Maaari mong kontrolin kung gaana kadalas nagsi-sync ang telepono mo sa mga account. Kakailanganin mong balansehin ang pagiging napapanahon (mga madalas na pag-sync) sa paggamit ng data at tagal ng baterya (mas hindi madalas na mga pag-sync).

Mga antas ng kontrol:

Kung i-o-off mo ang auto-sync, kakailanganin mong mag-sync nang manu-mano upang mangolekta ng mga update sa mensahe, email at kalendaryo; hindi ka ino-notify kapag may bagong impormasyong available upang i-sync.

I-configure ang auto-sync

  1. Pumunta sa Mga Setting. Sa ilalim ng MGA ACCOUNT, pindutin ang uri ng account.

    : nangangahulugan ito na ang ilan o lahat ng impormasyon ng isang account ay naka-configure na mag-auto-sync.

    : nangangahulugan ito na hindi mag-o-auto-sync ang isang account.

  2. Upang limitahan o palawakin kung anong mga uri ng data ang sini-synchronize mo para sa bawat account, pindutin ang pangalan ng account at pagkatapos ay gamitin ang mga checkbox. Ang pag-alis ng check sa isang opsyon ay hindi nag-aalis sa impormasyon mula sa iyong device; hindi na lang ito pinapanatiling naka-sync sa bersyong nasa web.

Mag-sync nang manu-mano

  1. Pumunta sa Mga Setting. Sa ilalim ng MGA ACCOUNT, pindutin ang uri ng account.

  2. Pinduin ang pangalan ng account.
  3. Pindutin ang > I-sync ngayon.

global-tl-ph-tl-ph-3338-44 2014-05-14T15:39:59