Ginagawang madali ng mga feature ng accessibility na gamitin ang iyong teleppono kung mayroon kang mga kapansanan sa paningin.
Pindutin upang i-on/i-off ang mga feature ng accessibility, gaya ng:
TalkBack: inilalarawan nito ang lahat ng pinipindot mo, pinipili o ina-activate mo. Maaari kang mag-set ng mga opsyon upang baguhin ang volume ng boses ng TalkBack o i-on ang feedback (tunog o pag-vibrate) para sa mga pagpindot.
Ang isa pang opsyon ay gamitin ang TalkBack kasama ng Galugarin sa pamamagitan ng pagpindot. Binabago nito kung paano tumutugon ang telepono sa iyong pagpindot, kaya kailangan mong matuto ng mga bagong paraan upang i-navigate ang telepono. Kapag pinindot mo ang isang app o icon, maririnig mo muna ang pangalan ng item. Pagkatapos, maaari kang magpasya kung gagamitin mo ito o hindi.
Pindutin ang Mga Setting at i-set ang mga opsyong gusto mo:
Kung aktibo ang TalkBack: