Tungkol sa mga opsyon sa storage

Ang mga app ay nakastore sa internal storage ng iyong telepono. Ang mga file mula sa email o sa internet ay naka-store din, doon. Puwede kang mag-store ng mga larawan, mga video, at mga musika sa internal storage. O, para ma-access ang mga file mula kahit saan na may koneksyon ng internet, i-store ang mga ito sa serbisyong cloud.

Pang-loob na taguan

Maaari kang maglagay ng mga larawan, mga video, musika at iba pang mga file sa telepono mo.

Kabilang ang mga benepisyo:

  • Agarang access sa mga file mo
  • Hindi kailangan ng koneksyon ng internet - hindi gumagamit ng mobile data o Wi-Fi
  • Higit pang kontrol sa privacy mo

Maaaring ilipat ang mga file sa loob ng memory ng telepno o ilipat sa isang computer gamit ang isang USB cable.

Cloud storage

Ang Cloud ay napakainam para sa pagtatago ng mga file na gusto mong ibahagi at i-access kapag umaalis, tulad ng mga larawan, mga video, at musika.

Kabilang ang mga benepisyo:

  • Pag-access sa mga file mo mula sa ibang computer o aparato na mobile na mayroong konektson ng inernet - gumagamit ng mobile data o Wi-Fi
  • Pag-synchronize ng file - hindi na kailangang problemahin ang maraming bersyon sa maramihang lokasyon ng taguan
  • Mainam para sa mga backup ng larawan at video

Ang mga cloud storage provider ay karaniwang nag-aalok ng libreng storage na maaaring palakihin gamit ang isang bayad na subscription sa sandaling naabot mo na ang limitasyon ng libreng storage. O kaya, maaari mong pamahalaan ang iyong libreng storage sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga file na hindi mo kailangan upang magkaroon ng espasyo para sa mga bagong file.

Ang mga app tulad ng Drive at Google+ at tumutulong sa iyo na mabilis mong mai-backup ang media sa isang pribadong folder gamit ang awtomatikong mga upload.