Gamitin ang voice commands at maghanap

Gamitin ang telepono mo nang hindi ito hinahawakan. Sabihin lang ang parirala ng paglunsad at magiging handa na ito para sa mga utos mo, kahit na natutulog ito sa mesa o sa isang upuan ng pasahero. Natututunan nito ang boses mo (pagkatapos ng isang maikling sesyon ng pagsasanay) para walang ibang makakapag-trigger ng teelepono mo. Sabihan ang telepono mo na mag-navigate patungo sa isang address, i-set ang alarm, i-play ang paborito mong kanta, tingnan ang voicemail mo, at marami pang iba.

TalaHindi lahat ng mga wika ay sumusuporta sa voice commands.

Sanayin ang launch phrase

Sa unang beses na gamitin mo Moto Voice, sasabihan ka na magsanay sa salita para sa paglunsad. Para sa pinakamahusay na mga resulta:

  • Gumamit ng tahimik na kuwarto na walang tao sa paligid.
  • Iwasan ang mga kuwarto na umaalingawngaw, tulad ng kubeta at mga garahe.
  • Gumamit ng mga parirala na may 4 o higit pang mga pantig. Maari ka ring gumamit ng sipol bilang parirala ng paglunsad..
  • Iwasan ang pag-pause.
  • Gumamit lagi ng parehong tinig.

Para baguhin anumang oras ang iyong parirala ng paglunsad, o para tingnan ang pagpapa-alala kung nakalimutan mo ang iyong parirala ng paglunsad

  1. Pindutin ang > Moto.
  2. Pindutin ang > Boses > Manage launch phrase.
  3. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Magsalita ng utos

Sabihan ang telepono mong tumawag sa mga tao, maghanap n g direksyon, magpadala ng mensahe, itakda ang alarma: Napakarami ng mga posibilidad.

  1. Sabihin ang iyong parirala ng paglunsad.
  2. Kapag sumagot ang telepono, bigkasin ang command, (halimbawa, “Tawagan si Elise” o “I-set ang alarma para sa 7 AM bukas”).

    TipPara makita ang listahan ng mga pag-utos, sabihin ang “Kunin ang listahan ng mga utos” o pindutin ang > Moto > Higit pa.
  3. Ang ilang mga pag-uutos maaring maging sanhi sa telepono mo na magsalita biglang tugon sa iyo. Para ihinto ang telepono na magsalita, pindutin ang o .

Iwasan ang pag-unlock sa iyong screen

Moto Voice pinapayagan kang utusan ang iyong telepono sa pamamagitan ng boses mo kahit hindi ito i-unlock para sa mga seguridad na tampok na available sa lock screen, tulad ng pagtawag o pagkuha ng litrato.

Maaari ka ring mag-utos sa iyong telepono na magsagawa ng mas ligtas na pag-andar, kung saan sisimulan at kukumpletuhin ng iyong telepono matapos mong i-unlock ang screen.

Maaari kang mag-set up ng isang Smart Lock upang manatiling naka-unlock ang iyong telepono at makapagsagawa ng lahat ng pag-utos sa boses kapag: