Gamitin ang timer o stopwatch

Gumamit ng mga timer

Maaari kang magtakda ng maraming countdown timer gamit ang mga label masubaybayan ang mga ginagawa mo:

  1. Sa Orasan app, pindutin ang para sa Timer tab.

    TipMaaari ka ring lumipat sa pagitan ng mga tab sa pamamagitan ng pag-swipe pakanan at pakaliwa.
  2. Ilagay ang tagal na maka-count down.
  3. Pindutin ang .
  4. Gawin ang alinman sa sumusunod:

    • Upang i-pause ang countdown, pindutin ang .
    • Upang magdagdag ng label sa timer, pindutin ang Label (lalong kapaki-pakinabang kapag gumagamit ng maraming timer).
    • Upang magdagdag ng isang minuto sa countdown, pindutin ang .
    • Upang i-reset ang counter sa orihinal na oras, pindutin ang > .
    • Upang magdagdag ng timer, pindutin ang .
    • Upang magtanggal ng timer, pindutin ang .
    • Kapag iniwan mo ang app na ito, mabilis na ibalik ito sa pamamagitan ng pag-swipe pababa ng status bar gamit ang isang daliri para makita ang abiso ng timer at nalalabing oras. Para buksan ang timer, pindutin ang abiso.

Gumamit ng stopwatch

I-record ang iyong tagal ang ibahagi ang iyong mga resulta.

  1. Sa Orasan app, pindutin ang para sa Stopwatch tab.

    TipMaaari ka ring lumipat sa pagitan ng mga tab sa pamamagitan ng pag-swipe pakanan at pakaliwa.
  2. Pindutin ang .
  3. Gawin ang alinman sa sumusunod:

    • Upang i-pause ang stopwatch, pindutin ang .
    • Upang mag-record ng mga lap (o maraming agwat ng panahon) habang tumatakbo ang stopwatch, pindutin ang .
    • Upang i-reset ang counter sa zero, pindutin ang > .
    • Upang ibahagi ang mga oras mo sa iba o ipadala ang mga iyon sa sarili mo, pindutin ang > .
    • Kapag iniwan mo ang app na ito, mabilis na ibalik ito sa pamamagitan ng pag-swipe pababa ng status bar gamit ang isang daliri at pindutin ang kontrol. Para buksan ang stopwatch, pindutin ang abiso.