Baguhin ang volume
Magkakaiba ang mga setting ng iyong telepono para sa mga volume na ito:
- Media (musika, video, mga laro)
- Alarm
- Tawag
- Mga Notification
Ang pagbago sa isang volume ay hindi makakaapekto sa iba, kaya maaari mong palakasin ang musika nang hindi ginagawang parang sumisigaw na ang mga tumatawag sa iyo.
Mga Tip- Upang lumipat sa vibrate-only mode, pindutin Pababa ang buton ng Volume at pindutin ang
. Makikita mo ang
. Walang silent mode. - Upang patahimikin ang pag-ring at mahinto ang pag-vibrate ng telepono mo, habang nakataob ang palad mo, ikaway ang kamay sa screen. O, pindutin ang buton ng Power o Pababa ang Volume.
- Para patahimikin ang iyong telepono (walang ring o vibrate) para sa oras na tinukoy, pindutin ang boton ng Volume na Pababa, tapos pindutin ang Wala at i-set ang tagal (hal. hanggang sa susunod mong alarm, o sa susunod na 30 minuto). Kung gusto mo laging maiwasan ang pagka-antala sa ilang panahon (hal. kada Martes mula 11:00 hanggang tanghali), i-set ang iyong downtime.
- Kung ang iyong telepono ay hindi nagri-ring para sa parating na mga tawag, hanapin ang
o
sa iyong bar ng katayuan. Pindutin ang boton ng Volume na Pababa at pindutin ang Lahat para pahintulutan ang mga pagka-aantala; magri-ring ang iyong telepono sa paparating na tawag. Tingnan ang iyong downtime settings para masiguro na ang nasasala ng telepono ang mga tawag sa tamang oras.
Gamitin ang mga boton ng volume sa gilid ng iyong telepono:
- Upang baguhin ang volume ng tawag habang nasa ibang tawag.
- Upang baguhin ang volume ng media habang nagpe-play ng kanta, video o laro.
- Upang baguhin ang volume ng abiso kapag nagpe-play ng media. Pindutin ang boton ng Volumen, tapos pindutin ang
at illipat ang slideer. - Upang baguhin ang volume ng ringtone kapag wala ka sa isang tawag o hindi ka nagpe-play ng media.
Maaari mo ring gamitin ang mga setting ng telepono upang baguhin ang mga volume:
- Pumunta saMga Setting.
- Pindutin ang Tunog & notification.
- Pindutin at i-drag upang baguhin ang bawat volume kung kinakailangan.