Kapag na-set up mo ang iyong telepono, iniugnay mo ito sa iyong Google account. Kung hindi ka pa nagkakaroon ng Google account dati, higit pa ito sa isang password lang na na-set up mo para sa iyong telepono.
Hinahayaan ka ng isang Google account na isaayo at i-access ang iyong personal na impormayon at mga file mula sa alinmang computer o mobile device:
Ang iyong Google account ay nagbibigay sa iyo ng access sa apps at services ng mga ito:
| Chrome | I-browse ang web. I-access ang mga bookmark sa iyong browser mula sa anumang device, at mag-sync ng mga tab sa iyong computer o Android device. | |
| Docs | Gumawa, mag-edit, at makipag-tulungan sa iba sa mga dokumento. | |
| Drive | I-istore at i-synchronize ang iyong mga file sa Google cloud, tapos i-access ito saanman na mayroong koneksyon ng internet. Gumawa at ibahagi ang mga spreadsheet, dokumento, at presentation. I-iscan ang mga dokumento at ibahagi o i-print ito. | |
| Gmail | Isulat, ipadala, tingnan o hanapin ang iyong email mula sa iyong telepono o computer. | |
| Buksan Google Now para makakuha ng update sa impormasyon. | ||
| Google Play Music | Makinig sa koleksyon mo ng musika matapos itong i-upload o bumili ng bagong musika. Gumawa ng mga playlist, makinig kahit saan. | |
| Google+ | Magbahagi ng nilalaman sa mga tamang tao lang sa social network na ito, at awtomatikong i-upload ang mga litrato sa pribadong album mo. | |
| Hangouts | Sumali sa mga pag-uusap kasama ng iyong mga kaibigan, gamit ang video na tawag o text. | |
| I-translate | Bumigkas, sumulat o mag-type ng mga salita para sa pag-translate sa ibang wika. | |
| Kalendaryo | Subaybayan ang iyong mga paparating na kaganapan, kumuha ng mga awtomatikong paalala sa iyong telepono, at magplano kasama ng iba sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kalendaryo. | |
| Maps | Hanapin ang iyong destinasyon, saliksikin ang mga lokasyon. | |
| Mga Larawan | Pangasiwaan ang iyong mga larawan at i-upload ang mga ito sa iyong pribadong album. | |
| Play Books | Magbasa at mag-download ng mga aklat mula sa Play Store. | |
| Play Store | Kumuha ng apps para sa iyong telepono, pati na rin ang mga aklat, magazine, musika at mga pelikula, at i-access ang mga iyon mula sa iyong computer o alinmang Android device. | |
| Sheets | Gumawa, mag-edit, at makipag-tulungan sa iba sa mga spreadsheet. | |
| Slides | Gumawa, mag-edit, makipagtulungan sa iba, at i-play ang mga presentasyon. | |
| Wallet | Isang mas madaling paraan para magbayad sa mga tindahan, bayaran ang iyong mga kaibigan, at magbayad online. Ilagay ang iyong loyalty at gift card para lagi mo itong dala. | |
| YouTube | Maghanap, manood at mag-upload ng mga video sa web. |
Upang matuto pa tungkol sa apps na ito, magbukas ng apps at pindutin ang
> Tulong.