Hadlangan ang mga attack sa malware

Upang hadlangan ang malware (spyware, phishing at mga virus) na maapektuhan ang performance ng iyong telepono o sirain ang iyong telepono, magsaliksik nang kaunti bago ang i-download ang bawat app.

Tingnan ang rating

May 4 o 5 star ba ang app? Kung oo, malamang na maganda ito. Kung walang nag-post ng mga comment kasama ng mga mataas na star rating, maghinala na. Palagi ring tingnan ang mga komento kung walang ganoong available, subukan ang isang paghahanap sa isang Android user forum.

Magbasa ng maraming komento

Bago mag-download ng app, magbasa ng mga review mula sa iba pang user na nag-download niyo upang matulungan kang magpasya kung hindi ito tama para sa iyo. Magbasa ng maraming komento, hindi lang kaunti.

Tingnan ang mga pahintulot

Kapag nag-i-install ng app, siguraduhing basahin ang mga alerto na nagsasabi sa iyo kugn anong impormasyon ang i-a-access ng app. Kung hindi ka sumasang-ayon sa pagpayag na ma-access ang impormasyong iyon, kanselahin ang pag-install. Halimbawa, kung nag-i-install ka ng app na gumagawa ng listahan ng bibilhin, hindi dapat kailanganin ng app ang access sa iyong mga contact. Kahit na lehitimo ang app, maaaring hindi mo gustong magbigay ng access sa iyong impormasyon.

Tingnan ang mga Android user forum

Hanapin sa mga user forum sa internet ang pangalan ng app o mag-post ng tanong para sagutin ng iba pang mga user. Magandang mga resource ang mga forum para sa pagbabahagi ng impormasyon. Makakatulong rin ang iyong tanong sa iba pang mga user.

Tingnan ang website ng developer

Play Store hindi lamang madaling magbigay ng mga komento, nagbibigay din ito ng isang link sa web site ng nag-develop. Kung hindi ka sigurado tungkol sa isang app, bisitahin ang site. Propesyonal ba ang hitsura nito o basta-basta lang?

I-post ang sarili mong mga komento

Pagkatapos mong mag-download ng app, maaari mo itong i-rate at mag-post ng mga komento upang makita ng iba pang mga user. Kung mas marami pang impormasyong available, mas ligtas ang mga bagay-bagay! Pinapasalamatan ka ng iyong Android community.

Hindi pa rin sigurado?

Hindi mo mahanap ang impormasyon gamit ang mga nakaraang suhestiyon at hindi ka sigurado tungkol sa kaligtasan ng app, huwag itong i-install. Maraming iba pang apps na apps pagpipilian.