I-reset ang telepono

Kung nagkakaproblema ka sa telepono mo, subukang i-reboot ito. At kung bigo pa rin, i-reset ito.

Kung hindi tumutugon ang telepono mo.

Kung hindi na tumutugon ang telepono mo, maaari mo itong i-reboot sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa buton ng Power nang 7-10 segundo.

Kung nakalimutan mo ang iyong screen lock

Kung nakalimutan mo ang iyong screen lock at nai-set up ang Motorola ID, mula sa computer pumunta sa motorola.com/support at gamitin ang tampok ng nawalang telepono at i-reset ang iyong screen lock.

Kung gumagamit ng Google account ang iyong phone, maari mo ring mai-reset ang iyong screen lock sa pamamagitan ng pagpunta sa google.com/android/devicemanager mula sa computer.

Kung may problema sa paggana ang iyong telepono

Mga problema gaya ng crashing, hindi inaasahang pag-reboot, o mabilis madiskarga ang baterya maaring sanhi ng ikatlong partidong app. Para mamalaman kung ito ang problema, buksan ang telepono sa safe mode, na pansamantalang hindi pinagagana ang anumang ikatlong partidong app na na-install mo.

Para i-reboot sa safe mode:

  1. Pindutin at diinan ang Power na buton.
  2. Pumindot nang matagal

    Huwag lang pindutin. I-off. Pindutin at diinan ito.

  3. Pindutin OK para magsimula sa safe mode.
  4. Gamitin ang telepono mo sa safe mode upang makita kung patuloy pa rin ang problema. Kung ganoon pa rin, i-restart ang telepono upang maalis ito sa safe mode at i-uninstall ang mga kaka-install pa lang na app upang makita ang kung aling app ang nagiging sanhi ng problema.

At kung bigo pa rin

Huling magagawa ay burahin ang lahat ng data sa telepono mo at ibalik ito sa ou-of-the box na kondisyon.

Bago mo burahin at i-reset ang telepono, tiyaking i-back up ang lahat ng mga data mo:

  • Kopyahin ang mga litrato, video, at musika sa computer o sa cloud storage.
  • Tiyaking ang anumang mga pagbabago na ginawa mo sa mga contact o kalendaryo ay naka-sync sa iyong account.

Hindi mo na mababawi pa ang iyong mga text message.

Para burahin lahat ng data at i-reset ang telepono mo:

  1. Pumunta sa Mga Setting > I-backup & i-reset.
  2. Pindutin ang I-reset ang data ng factory.