Mag-edit ng mga litrato

Kumuha ka ng larawan ng isang tagpo at handa ka nang pagandahin ang iyong litrato. Maaari mo itong i-edit gamit ang basic o advanced na mga tool.

  1. Tingnan ang buong-screen na bersyon ng litrato sa Camera o Gallery apps.
  2. Pindutin ang larawan, pagkatapos ay pindutin ang .
  3. Pindutin ang isang tab upang i-access ang mga opsyon sa pag-edit.

    Maglapat ng mga preset na filter upang baguhin ang kulay.
    Magdagdag ng frame.
    Ituwid, i-crop, ikutin, i-mirror, o gumuhit sa iyong larawan.
    Baguhin ang exposure, contrast, sharpness at kulay gamit ang mga advanced na tool para sa pag-edit.
  4. Habang nag-e-edit ng larawan, maaari mong:

    • I-undo ang huli mong binago. Pindutin ang .
    • I-redo sa dati ang iyong binaliktad. Pindutin ang .
  5. Kapag tapos na, pindutin ang I-SAVE. Ang iyong na-edit na larawan ay naka-save sa parehong lokasyon ng orihinal sa Gallery.