Gamitin ang timer ng camera

Kasama sa camera ang timer dahil ito ang makakatulong para awtomatikong kumuha ng larawan matapos ang ilang segundo ng pagbilang. Available ang opsyon na ito para sa parehong pang-harap at pang-likod na camera.

TipGumamit ng tabletop tripod para patatagin ang telepono kapag kukuha ng may-oras na pagkuha.

Upang kumuha ng may-oras na larawan:

  1. I-swipe ang viewfinder pakanan upang makita ang wheel ng mga setting.
  2. Pindutin ang at piliin ang 3s o 10s.
  3. I-frame ang iyong kuha, at kapag handa ka na, pumindot kahit saan sa viewfinder para simulan ang pagbilang.
  4. I-ayos ang sarili para sa pagkuha (kung mag-se-selfie ka, maghintay lang) tapos ngumiti!