Baguhin ang volume
Magkakaiba ang mga setting ng iyong telepono para sa mga volume na ito:
- Mga Ringtone
- Mga Notification
- Media (musika, video, mga laro)
- Alarm
- Tawag
Ang pagbago sa isang volume ay hindi makakaapekto sa iba, kaya maaari mong palakasin ang musika nang hindi ginagawang parang sumisigaw na ang mga tumatawag sa iyo.
Mga Tip- Upang lumipat sa vibrate-only mode, pindutin Pababa ang buton ng Volume at pindutin ang
. Makikita mo ang
. Walang silent mode. - Upang patahimikin ang pag-ring at mahinto ang pag-vibrate ng telepono mo, habang nakataob ang palad mo, ikaway ang kamay sa screen. O, pindutin ang buton ng Power o Pababa ang Volume.
- Upang patahimikin ang telepono mo (walang pag-ring o vibrating) para sa tagal ng oras na tinukoy mo, pindutin ang buton Pababa ng Volume, tapos pindutin ang Wala at iset ang tagal (hal. sa susunod na 30 minuto). Hindi tutunog kahit ang alarma. Kung gusto mo laging iwasan ang mga pagkaantala habang sa mga oras (hal. tuwing Martes mula 11:00 hanggang tanghali), gamitin ang Downtime sa setting ng iyong telepono.
Gamitin ang mga volume key sa gilid ng iyogn telepono:
- Upang baguhin ang volume ng tawag habang nasa isa kang tawag
- Upang baguhin ang volume ng media habang nagpe-play ng kanta, video o laro
- Upang baguhin ang volume ng ringtone kapag wala ka sa isang tawag o hindi ka nagpe-play ng media
Maaari mo ring gamitin ang mga setting ng telepono upang baguhin ang mga volume:
- Pumunta saMga Setting.
- Pindutin ang Tunog > Mga Volume.
- Pindutin at i-drag upang baguhin ang bawat volume kung kinakailangan.