Magdagdag ng mga custom na tunog
Maaari mong i-customize ang iyong telepono gamit ang mga ringtone, notification at alarm na naka-install na. O kaya, mag-download at gumawa ng mga custom na tunog upang ipakita ang sarili mong personal na style.
Upang makakuha ng mga custom na tunog:
- Mag-download ng ringtone apps mula sa Play Store.
- Gumamit ng ringtone maker app mula sa Play Store upang gumawa ng mga tunog mula mismo sa iyong telepono.
- Mag-drag at mag-drop ng mga tunog mula sa isang computer gamit ang isang USB na koneksyon.
Nasa MP3 (.mp3) format dapat ang mga sound file.
Mag-drag at mag-drop ng mga tunog mula sa isang computer
- Sa computer, gumawa o mag-download ng tunog at i-save ito bilang isang .mp3.
- Ikonekta sa computer ang telepono gamit ang isang USB cable.
- Sa iyong computer, i-drag ang .mp3 file mula sa computer patungo sa naaangkop na folder sa telepono: Mga Ringtone, Mga Notification, o Mga Alarm.
Kapag binuksan mo ang mga setting ng tunog sa iyong telepono, lalabas ang bagong tunog sa listahan ng mga opsyon.
TipKung hindi lalabas ang bagong tunog bilang isang opsyon, i-restart ang telepono.