Gamitin ang timer o stopwatch

Gumamit ng mga timer

Maaari kang magtakda ng maraming countdown timer gamit ang mga label masubaybayan ang mga ginagawa mo:

  1. Sa Orasan app, pindutin ang para sa Timer tab.

    TipMaaari ka ring lumipat sa pagitan ng mga tab sa pamamagitan ng pag-swipe pakanan at pakaliwa.
  2. Ilagay ang tagal na maka-count down.
  3. Pindutin ang Simulan.
  4. Gawin ang alinman sa sumusunod:

    • Para mabilis matingnan ang nalalabing oras, i-swipe pababa ang bar ng katayuan gamit ang isang daliri para makita ang orasan ng abiso. Para buksan ang orasan, pindutin ang abiso.
    • Upang i-pause ang countdown, pindutin ang Ihinto.
    • Upang magdagdag ng label sa timer, pindutin ang (lalong kapaki-pakinabang kapag gumagamit ng maraming timer).
    • Upang magdagdag ng isang minuto sa countdown, pindutin ang .
    • Upang i-reset ang counter sa orihinal na oras, pindutin ang Ihinto > .
    • Upang magdagdag ng timer, pindutin ang .
    • Upang magtanggal ng timer, pindutin ang .

Gumamit ng stopwatch

I-record ang iyong tagal ang ibahagi ang iyong mga resulta.

  1. Sa Orasan app, pindutin ang para sa Stopwatch tab.

    TipMaaari ka ring lumipat sa pagitan ng mga tab sa pamamagitan ng pag-swipe pakanan at pakaliwa.
  2. Pindutin ang Simulan.
  3. Gawin ang alinman sa sumusunod:

    • Para mabilis na makontrol ang stopwatch, i-swipe pababa ang bar ng katayuan gamit ang isang daliri at pindutin ang kontrol. Para buksan ang stopwatch, pindutin ang abiso.
    • Upang i-pause ang stopwatch, pindutin ang Ihinto.
    • Upang mag-record ng mga lap (o maraming agwat ng panahon) habang tumatakbo ang stopwatch, pindutin ang .
    • Upang i-reset ang counter sa zero, pindutin ang Ihinto > .
    • Upang ibahagi ang mga oras mo sa iba o ipadala ang mga iyon sa sarili mo, pindutin ang Ihinto > .

global-tl-ph-tl-ph-3263-44 2014-10-15T12:08:07