Gamitin ang sleep mode para makatipid sa baterya

Para makatipid sa baterya, awtomatikong mapupunta sa sleep ang screen mo kung hindi mo ito nagamit ng ilang sandali. Maari mong ayusin ang tagal ng oras bago mapunta sa sleep ang telepono mo.

Magising mula sa sleep mode

Para magising ang telepono mo, pindutin ang buton ng Power. Kung nagset up ka ng screen lock, kailangan mo itong i-unlock. Awtomatikong magigising ang telepono mo kapag mayroon kang paparating na tawag.

Ilipat sa sleep mode

Sandaling pindutin ang buton ng Power para i-off ang screen at lumipat sa sleep mode. Kung hindi mo gagamitin ang telepono mo, maganda itong maging ugali. Nakakatipid ka sa baterya at mapapanatili ang seguridad kapag naka screen lock.

global-tl-ph-tl-ph-3263-44 2014-10-15T12:08:07