Welcome sa Android! Nailipat mo na ang iyong mga contact at kaganapan sa kalendaryo sa I-migrate app, 'di ba? Kung gayon pag-usapan natin ang kaibahan sa pagitan ng iyong lumang iPhone at ang iyong bagong telepono.
Paalam Apple App Store, hello Google Play Store. Play Storeang default app store mo na ngayon. Ang mga app na hindi magkatugma sa pagitan ng iPhone at Android. Gayunpaman, maraming developer ang gumagawa ng mga bersyon ng iPhone at Android ng kanilang mga app; kung tinatago ng mga app store ang iyong data sa online, maari kang lumipat nang madali. I-download lang ang bersyon na Android mula sa Play Store at mag-log in.
Kung ginagamit mo ang Do Not Disturb na tampok sa iPhone, gamitin ang Assist app ngayon. Maari ang app na awtomatikong patahimikin ang telepono mo kapag nasa pulong ka o sa mga oras sa gabi na tinukoy mo.
Sa iyong lumang iPhone, nasa malayong kaliwa ang iyong home screen. Ngayon, magsisimula ang iyong home screen bilang gitna ng limang pahina.
Ipinakita ng iyong lumang telepono ang lahat ng mga app sa iyong home screen. Sa iyong bagong telepono, maari kang maglagay ng mga shortcut sa iyong pinakamahalagang mga app sa iyong home screen. Madaling pag-access. O, hanapin ang iyong buong listahan sa pagpindot sa
. Binabakante nito ang iyong home screen para sa mga widget, ginagawang mas may buhay ang iyong bagong home.
Parehong may mga app icon ang Android at iPhone, ngunit mayroon ding mga widget ang Android. Parang mga mini app ang mga widget sa iyong home screen o lock screen na interactive o nagsi-stream ng impormasyon sa iyo. Halimbawa, maaari makapagbigay ang mga widget ng mga update sa panahon o nalalapit na mga kaganapan sa kalendaryo;pag-toggle ng widget pinapayagan ka na mabilis na i-on at i-off ang Wi-Fi o Bluetooth.
Gaya ng luma mong iPhone, makikita mo ang mga abiso sa itaas ng screen, na maari mong i-drag pababa para repasuhin. Pero sa bago mong telepono, maari mong i-swipe ang mga ito pakaliwa o pakanan para i-dismiss ang mga ito. Gayundin, gamit ang dalawang daliri gamit ang dalawang daliri sa halip na isa, at mahahanap mo ang I-ON/I-OFF mag-toggle para sa airplane mode, Wi-Fi, at ilang iba pang mga mahalagang setting.
Ang iyong Google account ang susi sa cloud storage sa Google. Kung nilipat mo ang iyong mga contact s iyong telepono, maari mo nang makita ang mga ito mula sa anumang aparato o computer sa pag-login sa Gmail. Kasama Google sa iyong account ang mga app gaya Kalendaryo at Drive na pinapayagan ka na magtrabaho nang mahusay kasabay ng iba. At may mga app ito na pinapayagan ka na maglaro rin - i-access ang iyong mga litrato, video, musika mula sa anumang aparato kapag nag-login ka sa iyong Google account. Gamitin Google Play Music, upang i-upload ang iyong iTunes library.
Maghanap gamit ang boses o mga daliri. Walang hangganan ang mga opsyon sa paghahanap. Gamit ang paghahanap sa Google, maaring mag-nabiga, magsalin-wika, magkalkula, makuha ang oras ng pelikula, at marami pa.
global-tl-ph-tl-ph-3263-44 2014-10-15T12:08:07