I-encrypt ang telepono mo
Bago ka magsimula, isaalang-alang na:
- Ang pag-encrypt ay maaaring magtagal nang isang oras o higit pa. Iwanang nakasaksak ang iyong telepono at huwag pakialaman ang proseso.
- Ang pag-encrypt ay nangangailangan ng PIN o password kapag ino-on mo ang telepono. Hiwalay ito sa PIN o password upang i-unlock ang screen.
- Kung makakalimutan mo ang iyong PIN o password para sa pag-encrypt, hindi mo na maaaring mabawi ang data na nakalagay sa iyong telepono o memory card.
Upang i-encrypt ang iyong telepono:
- Pumunta sa Mga Setting > Seguridad.
- Pindutin ang I-encrypt ang telepono.