Naitatago ang mga app sa panloob na taguan ng telepono mo. Ang mga file na dinownload mo mula sa email o internet ay itinatago din, doon. Maari mong itago ang mga larawan, video, at musika sa panloob na taguan. O, para ma-access ang mga file mo kahit saan man na mayroon kang koneksyon ng internet, itago ito sa cloud service.
Maaari kang maglagay ng mga larawan, mga video, musika at iba pang mga file sa telepono mo.
Kabilang ang mga benepisyo:
Maaaring ilipat ang mga file sa loob ng memory ng telepno o ilipat sa isang computer gamit ang isang USB cable.
Ang Clouds ay napakainam sa pagtatago ng mga file na gusto mong ibahagi at i-access kapag umaalis, tulad ng mga larawan, video, at musika.
Kabilang ang mga benepisyo:
Ang mga cloud storage provider ay karaniwang nag-aalok ng libreng storage na maaaring palakihin gamit ang isang bayad na subscription sa sandaling naabot mo na ang limitasyon ng libreng storage. O kaya, maaari mong pamahalaan ang iyong libreng storage sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga file na hindi mo kailangan upang magkaroon ng espasyo para sa mga bagong file.
Ang apps na tulad ng Google+ ay nagbibigay-daan sa iyong mag-back up ng media nang madali gamit ang mga awtomatikong pag-upload. Maaaring i-enable ng mga user ng Google+ ang mga awtomatikong backup upang mag-upload ng mga litrato at video sa isang pribadong folder habang kinukunan ang mga iyon.
global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42