Tingnan sa filmstrip mode

Kung kulang ka sa oras, ginagawang madali ng filmstrip mode na pamahalaan ang isang malaking koleksyon ng mga litrato at video.

Upang gamitin ang filmstrip mode:

  1. Pindutin ang > Gallery.
  2. Buksan ang isang litrato o video, ikutin ang telepono upang maging landscape ito, at i-pinch ang dalawang daliri patungo sa isa't isa; bawasan ang laki hangga't sa makakita ka ng strip ng maliliit na thumbnail.
  3. Sa filmstrip mode, maaari kang:

    • Mag-flip sa mga larawan at video sa album. Mag-swipe pakaliwa o pakanan.
    • Tingnan ang larawan o video sa buo nitong laki.Pindutin ang isang thumbnail upang makita ang mas malaking bersyon. Pinduting muli upang i-access ang mga opsyon sa pagbabahagi. I-pinch pasara ang mga daliri upang bumalik sa filmstrip mode.
    • Upang magtanggal ng larawan o video: Mag-swipe pataas o pababa.

      Upang mag-undelete ng litrato o video, pindutin kaagad ang I-UNDO.

      Kung nagtanggal ka ng maraming item, ang huling tinanggal lang ang maibabalik. Kung maghihintay ka nang masyadong matagal, mawawala ang opsyon at permanenteng matatanggal ang litrato o video.

global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42