Magtakda ng mga ringtone

Maaari kang pumili ng natatanging ringtone para sa mga tawag mula sa mga partikular na tao nang sa gayon ay malalaman mo kaagad kung sino ang tumatawag. Gagamitin ng lahat ng iba pang tawag ang default na ringtone.

Maaari mong baguhin o patayin ang mga ringtone ngunit maaari ka lang magtanggal ng mga ringtone na idinagdag mo sa telepono.

Baguhin ang default na ringtone

  1. Pumunta sa Mga Setting > Tunog.
  2. Baguhin ang mga setting:

    • Pindutin ang Ringtone ng telepono at pumili ng ringtone o piliin ang Wala kung ayaw mong mag-ring ang telepono.

    • Pindutin ang I-vibrate kapag nagri-ring upang magamit ang vibrate kasama ng, o sa halip na, ringtone. Upang mapahaba ang buhay ng baterya, i-off ang vibrate.)

Magtakda ng mga ringtone para sa mga contact

  1. Pindutin ang > at pagkatapos ay pindutin ang pangalan ng tao.
  2. Pindutin ang > Itakda ang ringtone.
  3. Pumili ng ringtone na gagamitin. O kaya, pindutin ang Default na ringtone upang bumalik sa default.

Ang mga ringtone na para sa mga partikular na contact ay nalalapat lang sa mga tawag sa telepono, hindi sa mga notification ng mga text message o email mula sa taong iyon.

global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42