Minsan, madaling lumagpas sa mga limitasyon ng iyong data plan nang hindi ito nalalaman. Gayunpaman, may paraan upang maiwasan ang pagkabigla. Maaari kang mag-set up ng mga babala sa paggamit nang sa gayon ay alam mo kapag malapit ka na dito, at mag-set up ng mahihigpit na limitasyon na nag-o-off sa mobile data nang sa gayon ay hindi ka lalagpas sa iyong limitasyon. Ang ilang apps ay naglilipat ng data sa background, kapag hindi mo ginagamit ang mga iyon; maaari mong pagbawalan ang paggamit ng data sa background para sa apps na ito na malakas kumonsumo ng data.
Pumunta sa Mga Setting > Paggamit ng data.
Upang itakda ang warning level, i-drag ang kanang bahagi ng orange warning bar pataas/pababa.

Kapag naabot na ng iyong paggamit ng data ang tinukoy na antas, makakatanggap ka ng notification.
Upang i-set ang limitasyon sa paggamit, tingnan ang Itakda ang limitasyon ng data ng mobile. Tapos i-drag ang kanang bahagi ng orange bar ng babala taas/baba.
Kapag umabot na sa tinukoy na antas ang iyong paggamit ng data, i-o-off ng telepono mo ang paggamit n data.
global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42