Basahin, ipadala, pangasiwaan ang mensahe na text

Kapag nakatanggap ka ng text na mensahe sa Pagmemensahe app, makikita mo sa bar ng katayuan.

Basahin at mag-reply sa mensahe

  1. I-swipe ang status bar pababa at pindutin ang .
  2. Upang tumugon sa mensahe, ilagay ang iyong tugon sa text box at pindutin ang .
Mga Tip
  • Maari mong i-save ang mga larawan mula sa mga mensahe. Pindutin & diinan ang kalakip.
  • Kung hindi mo gustong i-convert ang maramihang tatanggap ng mga SMS message sa MMS at gustong ipadala ang mga tugon sa hiwalay na mga pag-uusap (threads) sa iyo lamang, maari mong i-off ang mensaheng pang-grupo.

Magpadala ng bagong mensahe

  1. Pindutin ang > Pagmemensahe.
  2. Pindutin ang .
  3. Ilagay ang tatanggap at ang mensahe mo. Para maipadala ang mensahe sa grupo mo, ilagay ang maramihang mga tatanggap.
  4. Opsyonal:

    • Pindutin ang upang magdagdag ng paksa.
    • Para maglakip ng larawan o video, pindutin ang .
    • Upang magdagdag ng smiley o iba pang mga icon, pindutin ang .
  5. Pindutin ang .
TipUpang i-text ang pinakamatalik na kabigan mo gamit ang isang pagpindot mula sa home screen mo, magdagdag ngDirektang mensahe widget.

I-forward ang mensahe

  1. Pindutin ang > Pagmemensahe.
  2. Buksan ang pag-uusap.
  3. Pindutin at diinan ang mensahe.
  4. Pindutin ang Ipasa.

Tanggalin ang mga mensahe

  • Nag-iisang mensahe: Buksan ang pag-uusap (thread) at pindutin nang matagal ang mensahe, pagkatapos ay pindutin ang Tanggalin.
  • Ang lahat ng mensahe sa isang pag-uusap: Buksan ang pag-uusap at pindutin ang > Tanggalin ang thread.
  • Ang lahat ng mga mensahe sa Pagmemensahe app: Pumunta sa listahan ng mga pag-uusap mo at pindutin ang > Tanggalin ang lahat ng mga thread. Mag-ingat - walang ibang paraan para ma-undo ito.

global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42