Maaari kang tumawag mula sa Telepono app, sa Mga Tao app o iba pang apps o mga widget na nagpapakita ng impormasyon ng contact. Saan ka man nakakakita ng numero ng telepono, karaniwan ay maaari mo itong pindutin upang i-dial.
Upang tumawag gamit ang Telepono app:
Gawin ang alinman sa sumusunod:
Para mag-dial ng numero, pindutin ang
, ilagay ang numero at pindutin ang
. Kung mali ang nailagay mong numero, pindutin ang
.
Para tawagan ang mga contact na nilagyan mo ng star bilang mga paborito o madalas mong tinatawagan, pindutin lamang ang kanilang pangalan.
Upang balikan ng tawag, pindutin
. Pindutin ang tawag para balikan ito.
Upang tumawag sa madadalas na numero gamit ang isang pagpindot mula sa iyong home screen, magdagdag ng Direktang pag-dial widget.
Upang makatawag kahit hindi hinahawakan ang iyong telepono, gamitin ang voice command.
global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42