Kumuha, magbahagi, at mag-print ng mga larawan

Kunan ang mga sandali bago lumipas ang mga iyon. Nagpapapasok ang iyong camera ng higit pang ilaw para sa mas malinaw, mas detalyado at mas matitingkad na litrato kahit sa mga lugar na madilim. Buksan ang iyong camera sa loob ng dalawang segundo gamit ang dalawang pag-flick sa iyong telepono, kahit na mula sa isang naka-lock na screen. At kapag handa ka nang kumuha ng litrato, pumindot kahit saan sa screen ng viewfinder upang kunan ang iyong litrato.

Kumuha ng litrato

  1. Buksan ang camera:

    • I-flick ang iyong telepono nang dalawang beses mula sa anumang screen upang buksan kaagad ang camera.
    • O kaya, pindutin ang > Camera.
  2. Itakda ang camera:

    • Upang lumipat sa pagitan ng mga camera sa harap at sa likod, pindutin ang .
    • Upang baguhin ang mga setting ng camera, i-swipe ang viewfinder pakanan at i-slide ang wheel ng mga setting upang i-access ang mga opsyon. Upang isara ang mga setting, mag-swipe pakaliwa.
  3. I-frame ang iyong subject:

    • Upang mag-zoom, i-drag ang viewfinder pataas at pababa.
    • Para baguhin ang lokasyon ng pokus, i-drag ang shutter para itakda ang pokus. (Kailangan mo munang i-on sa camera setting.)
  4. Pumindot kahit saan sa viewfinder upang kunan ang litrato. Upang kumuha ng litrato nang tuluy-tuloy, pumindot nang matagal; bibilangin sa shutter ang iyong mga kinunan.
TipKung mukhang malabo ang litrato, punasan ang lens upang luminis ito gamit ang isang malambot at tuyong tela at kunan ulit ang litrato.

Upang tingnan ang mga nakunang larawan at video, i-swipe pakaliwa ang viewfinder. Maari mo ring matingnan ang mga litrato gamit Gallery o Mga Larawan mga app, o ang app ng litrato na iyong ininstall.

Upang bumalik sa Gallery mula sa isang nakabukas na larawan o video, pindutin ang screen, pagkatapos ay pindutin ang . Upang buksan ang Gallery mula sa iyong home screen, pindutin ang > Gallery.

Magbahagi ng litratong kakakuha mo lang

  1. I-swipe ang screen ng viewfinder patungo sa kaliwa, at pindutin ang litratong ibabahagi.
  2. Pindutin ang .
  3. Piliin ang paraang gusto mong magbahagi.

Kinukunan nang nasa full resolution ang lahat ng litrato. Kapag nag-attach ka ng isa sa isang text message, awtomatikong pinapaliit ang file.

Maaari mo ring kopyahin ang mga larawan papunta sa iyong computer gamit ang USB cable.

O, gamitin ang Droid Zap upang mabilis na magpadala ng mga larawan at video sa mga kaibigan sa malapit. I-download ang Droid Zap nang libre sa Play Store.

Mag-print ng mga larawan

Upang ipadala ang isang larawan sa printer o gumawa ng PDF:

  1. Buksan ang larawan.
  2. Pindutin ito, pagkatapos ay pindutin ang > I-print.

global-tl-ph-tl-ph-3213-444 2015-04-14T14:59:42