Paggamit ng mga feature ng accessibility

Ginagawang madali ng mga feature ng accessibility na gamitin ang iyong teleppono kung mayroon kang mga kapansanan sa paningin.

I-on/i-off ang accessibility

  1. Pumunta sa Mga Setting > Kakayahang Ma-access.
  2. Pindutin upang i-on/i-off ang mga feature ng accessibility, gaya ng:

    • Mga Caption: I-on ang caption sa device mo at tukuyin ang mga opsyon (wika, text, at estilo) para sa closed captioning.
    • Mga galaw sa pag-magnify: I-tap ang screen nang tatlong beses upang mag-zoom in/out. Habang naka-zoom in, mag-drag ng dalawang daliri sa kahabaan ng screen upang makakita ng higit pa. I-pinch ang mga daliri nang papalapit o papalayo sa isa't isa upang ayusin ang pag-zoom.
    • Malaking teksto: Magpakita ng malaking teksto sa lahat ng iyong apps.
    • TalkBack: Pakinggan ang mga paglalarawan ng lahat ng pinipindot mo.

Tungkol sa TalkBack at Galugarin sa pamamagitan ng pagpindot

TalkBack: inilalarawan nito ang lahat ng pinipindot mo, pinipili o ina-activate mo. Maaari kang mag-set ng mga opsyon upang baguhin ang volume ng boses ng TalkBack o i-on ang feedback (tunog o pag-vibrate) para sa mga pagpindot.

Ang isa pang opsyon ay gamitin ang TalkBack kasama ng Galugarin sa pamamagitan ng pagpindot. Binabago nito kung paano tumutugon ang telepono sa iyong pagpindot, kaya kailangan mong matuto ng mga bagong paraan upang i-navigate ang telepono. Kapag pinindot mo ang isang app o icon, maririnig mo muna ang pangalan ng item. Pagkatapos, maaari kang magpasya kung gagamitin mo ito o hindi.

I-set ang mga opsyon ng TalkBack

  1. Pumunta sa Mga Setting > Kakayahang Ma-access.
  2. Pindutin ang TalkBack at i-on ito.
  3. Pindutin ang Mga Setting at i-set ang mga opsyong gusto mo:

    • Volume ng speech upang gawing mas mahina ang boses ng TalkBack.
    • Sabihin ang ID ng tumatawag upang marinig kung sino ang tumatawag.
    • Feedback ng tunogat Feedback sa vibration upang makakuha ng higit pang feedback para sa mga pagpindot.
    • Pamahalaan ang mga galaw upang matuto tungkol sa mga gesture upang ma-navigate ang iyong telepono. Gayundin, mag-customize sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga mas gustong aksyon o button sa mga gesture.
    • Galugarin sa pamamagitan ng pagpindot upang makarinig ng impormasyon bago gumamit ng mga item.

Mga tip para sa paggamit ng Galugarin sa pamamagitan ng pagpindot

  • Mag-slide ng daliri sa paligid. O kaya, pumindot upang pumili ng isang icon, button o app. Pakinggan ang pangalan nito. Pagkataos, pumindot nang dalawang beses kahit saan sa screen upang gamitin ang napiling item.
  • Gamit ang isang daliri, mag-swipe pakaliwa/pakanan upang lumipat sa nakaraan/susunod na item o pakinggan ang nakaraan/susunod na teksto.
  • Gamit ang dalawang daliri, mag-drag pataas/pababa o pahiga upang mag-scroll.

I-off ang Galugarin sa pamamagitan ng pagpindot

Kung aktibo ang TalkBack:

  1. Gamitin ang pagpindot + sistema ng pagpindot nang dalawang beses upang mag-nabiga patungo sa > Mga Setting.
  2. Mag-nabiga sa Kakayahang Ma-access > TalkBack > Mga Setting at i-uncheck Galugarin sa pamamagitan ng pagpindot.