Matutunan ang mga kilos

Narito ang iba't ibang paraan na maaari mong gamitin ang iyong mga daliri upang kontrolin ang iyong telepono.

Pumindot

Aksyon: Pindutin gamit ang isang daliri at iangat.

Resulta: Magbukas ng alinman (app o email) o pumili ng kahit ano (checkbox, icon). Parang nagki-click ng mouse sa computer.

Pumindot nang matagal

Aksyon: Pumindot at maghintay nang kaunti bago ibitaw ang iyong daliri.

Resulta: Pumili ng isang bagay (icon ng app, teksto sa isang pahina) at makakita ng mga posibleng aksyon.

Subukan ito: Pindutin nang matagal ang teksto sa pahinang ito upang makita ang tampok ng pagkopya.

Mag-drag

Aksyon: Pindutin at hawakan ng sandali ang bagay tapos, ng hindi inaangat, i-slide ang iyong daliri hanggang sa marating ang tinatarget na posisyon. Gamitin lamang ang isang dali sa karamihan ng mga aksyon. Minsan, maari mong mai-drag gamit ang dalawang daliri para sa ibang resulta.

Resulta: Maglipat ng mga elemento sa screen; halimbawa, ilipat ang isang toggle mula sa patungo sa I-ON.I-OFF

Subukan ito: Mag-drag ng shortcut o widget mg app mula sa isang bahagi ng iyong home screen patungo sa iba.

Mag-swipe

Aksyon: Mabilis na igalaw ang isang daliri sa buong screen, ng hindi nagpo-pause nung beses mong pinindot (sa halip hindi mo kailangang i-drag.) Gamitin lamang ang isang dali sa karamihan ng mga aksyon. Minsan, maari mong i-swipe gamit ang dalawang daliri para sa ibang resulta.

Resulta: ilipat sa home screens o sa pagitan ng tab sa isang app. O, mabilis na pumunta sa listahan.

Subukan ito: Buksan ang app ng Telepono at i-swipe pakaliwa/pakanan para magpalit sa pagitan ng mga tab. I-swipe ang status bar pababa gamit ang isang daliri para makita ang mga opsyon. Tapos, i-swipe ang status bar pababa gamit ang dalawang daliri para makita ang ibang mga opsyon.

Kurutin para i-zoom

Aksyon: Ilagay ang dalawang daliri sa screen at pagkatapos ay i-drag ang mga iyon nang papalayo sa isa't isa.

Resulta: I-zoom in para makita ang mas malaking bersyon ng mga litrato at mapa. O, buksan ang napapalaking mga abiso.

Subukan ito: Buksan ang litrato at mag-pinch palabas upang mag-zoom in sa isang lugar.

Kurutin para i- zoom

Aksyon: Ilagay ang dalawang daliri sa screen, ng magkalayo, tapos magkasabay itong idrag,

Resulta: i-zoom out para makita ang maliit na bersyon ng mga litrato at mapa. O, isara ang napapalaking mga abiso.