I-set ang kagustuhan mo sa network upang makatipid ng baterya

Pana-panahon na nagii-scan ang telepono mo ng magagamit na network ng cellular at sumusubok na mabilis na makakonekta para magamit. Ngunit kung nakatira ka sa lugar na kung saan ang pinakamabilis na network na kaya ng telepono mo ay hindi magagamit, maari mo ng ihinto ang pag-i-scan at magtipid ng baterya sa pamamagitan ng pag-setting ng gusto mong network.

Upang i-set up ang iyong kagustuhan sa network:

  1. Pumunta saMga Setting.
  2. Sa ilalim ng Wireless at Mga Network, pindutin ang Higit pa.
  3. Pindutin ang Mga cellular network > Gustong uri ng network.
  4. Piliin ang mabagal na network.

Kung babalik ka sa isang lugar na may mas mabilis na serbisyo, ulitin ang proseso ngunit piliin ang mabilis na network upang i-restart ang pag-scan ng mas mabilis na koneksyon.

Hindi magagamit sa lahat ng bahagi ang tampok na ito.